Bago pa lang sa mundo ng pagiging magulang, hindi mapigil ng aktres na si Anne Curtis ang kanyang emosyon habang lumalaki ang kanyang panganay na anak na si Baby Dahlia Amèlie sa bawat buwan na dumaraan.

Upang ipagdiwang ang pagtungtong ni Baby Dahlia ng anim na buwang gulang ay nagbahagi ng mga larawan si Anne sa Instagram nitong Septembre 2.

Kasabay ng mga larawan ay ikinuwento rin ni Anne ang kanyang nararamdaman bilang isang bagong mommy na bawat araw ay pinapanood ang kanyang anak na lumalaki.
Sinimulan niya ang caption ng IG post sa isang pagbati.

Aniya, “Je t’aime ma petite fleur, Dahlia Amelie.” (I love you my little flower, Dahlia Amelie.)
Paglalahad ni Anne, “I feel like it was just yesterday that I gave birth and held this sweet little girl in my arms for the first time… and just like that, half a year has gone by.”

Dagdag niya, “Mixed emotions of excitement to seeing her grow and experiencing all her milestones BUT also wanting to keep her as my little baby.”
Ayon pa sa aktres, “I guess, now I understand when mums and dads say “you’ll always be my little baby” – because that’s what she’ll always be to me. My little Dahlia Amélie 🌸.”

Bilang first time mom ay nasabi nalang ng aktres, “Ba Yan. 6th months pa Lang emotional na ako what more pag 1st birthday? 16th? 18th? 21st?!”
Samantala, ito rin ang unang pagkakataon na nasilayan ng netizens ang close-up picture ni Baby Dahlia. Kaya’t maraming nakapagsabi na kamukhang-kamukha ng kaniyang Daddy Erwan si Baby Dahlia.
Sa Instagram story ni Anne ay ibinahagi niya ang ‘behind-the-scenes’ ng mini photoshoot ni Baby Dahlia kung saan ‘team work’ na naghanda sina Anne at asawa nitong si Erwan Heussaff para i-celebrate ang 6 months milestone ni Baby Dahlia.

Sa Instagram ni Erwan ay sinabi nitong, “A lifetime of smiles in half a year.”
Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang post nito ni Anne.
“so very beautiful . dahlia ❤️❤️ sakin na lang po sana yung mga damit ni dahlia na di na kasya sa kanya 😍 for my baby “

“She got her looks from her Daddy Erwan. Super cutieeee!!!”
“Wow 😍 happy 6months old little AnneCurtissmith😇😍😍😍”
“kamukhang kamukha ni Erwan 😍”