Coco Martin at Julia Montes, parehong nakakaramdam ng pressure sa kanilang pagtatambal sa “Ang Probinsyano”

Kamakailan lamang ay ginulat ng rumored couple na sina Julia Montes at Coco Martin ang mga manonood. Ito ay matapos ipakilala si Julia bilang bagong leading lady ni Coco sa story conference ng Kapamilya action series na “Ang Probinsyano.”

Credit: @cocomartin_ph Instagram

Trending online ang muling pagtatambal nina Julia at Coco makalipas ang anim na taon mula noong huli silang nagsama sa isang proyekto.

Inamin naman ni Coco na kinakabahan siya sa muling pagsasama nila ni Julia sa isang teleserye. Aminado si Coco na takot siyang magkamali ngayon dahil katambal niya si Julia.

Credit: @montesjulia08 Instagram

Saad ni Coco, “Ako ‘yung kagabi hindi nakatulog, kahapon nagbi-brainstorming kami dito, ako ‘yung tensyonado kasi siyempre parang… kasi makakasama ko siya, eh. Alam mo ‘yung parang hindi ako puwedeng magkamali this time! Parang dito pa ba ako sasablay?”

Samantala, ibinahagi naman ni Julia na nakakaramdam siya ng pressure sa muling pagsasama nila ni Coco, lalo na’t isa rin ang aktor sa mga direktor ng serye.

Ani Julia, “May pressure po, siyempre. Hindi naman mawawala yun. Kapag nawala kasi yung pressure parang hindi ganun eh. Iba yung magiging rapport ng lahat.”

Credit: @juliamlovers08 Instagram

“Siguro yung pressure, it’s more of gusto ma-meet yung expectation niya at ng lahat ng team kasi lahat talaga dedicated,” dagdag pa nito.

Sa kabila ng nararamdamang tensyon sa muli nilang pagsasama, ibinahagi ni Coco na all-out ang kanyang ibinibigay na suporta kay Julia.

“‘Yung preparation sa mga bar!l ganu’n, tapos trinain ko siya sa bar!l, sa pagmo-motor tapos sa f!ght lahat, ganu’n. Kung baga ‘yung suporta ba kailangan ibigay,” pagbabahagi ni Coco.

Credit: @juliamlovers08 Instagram

Sa kabilang banda, ikwenento naman ni Julia na mula pa noon ay parati nang nakaalalay si Coco sa kanya lalo na tuwing may gagawin siyang bagong proyekto kung saan kinakailangan niyang humawak ng b@r!l.

“Ever since naman talagang naka-guide na siya kahit nung mga shows ko na kailangan kong humawak ng bar!l. Andiyan talaga siya nakatutok na nagtuturo,” ani Julia.

Itinuturing naman ni Julia na Isang malaking karangalan na maging bahagi ng “Ang Probinsyano.”

“Sa nakita ko rin kay Coco parang dito lumabas ‘yung creative side niya, so, to be part of this big project parang hindi makukumpleto ang isang career mo sa trabaho mo as an actor kapag hindi ka napasok sa Probinsyano,” ani Julia.

Credit: @juliamlovers08 Instagram

Ayon pa kay Julia, sobrang proud at masaya siya sa mga na-achieve ni Coco ngayon at sa nagdaang mga taon.

Sabi ni Julia, “I’m just so proud of him sa lahat ng mga na-achieve niya ngayon, from before and then ngayon na, ayun nga, lahat tutok siya. So I’m just happy to be part of that project and the creative side of his po.”

Maaalalang unang nagkasama sina Julia at Coco noong 2012 sa teleseryeng “Walang Hanggan.”