Para sa mga kababaihan, ang panganganak ay maaaring maging isang mahaba at masakit na proseso. Ngunit para kay Coleen Garcia, “pain is necessary” para maisilang niya nang ligtas ang panganay na anak nila ni Billy Crawford na si Amari Jaden.

Ito ang ibinahagi ni Coleen sa isang vlog na inupload sa kanilang YouTube channel na “The Crawfords”. Ikinuwento ni Coleen sa vlog ang kanyang water birth experience.
Para sa mga hindi nakakaalam, ang water birth ay isang uri ng natural birth method kung saan ang isang babae ay nanganganak sa isang birth pool na may maligamgam na tubig. Tinutulungan naman ng isang komadrona, doula o ng isang OB-GYNE doctor ang babae sa kanyang panganganak.
Hindi ito karaniwan sa Pilipinas ngunit may iilan na rin ang pinipili ito ngayon bilang paraan ng kanilang panganganak at kabilang na nga rito si Coleen.
Ani Coleen, “While it was happening, I regretted it because it was so p@inful! But after and all the way up to now, I’d do it all over again. Definitely, I’d do it all over again. Because I felt that the pain was necessary, and I felt that the pain really guided me.”

Sa vlog, ibinunyag din ni Coleen ang isa pang hindi pangkaraniwang paraan na sinubukan niya na nakatulong umano sa kanyang mabilis na pagrekober mula sa panganganak. Ang tinutukoy ni Coleen ay ang pag-inom niya ng isang smoothie na may halong ‘placenta’.
Ayon kay Coleen, inihalo umano ng kanyang doula ang kanyang placenta sa isang fruit smoothie na kaagad naman niyang ininom pagkatapos niyang manganak.
Bukod sa pag-inom ng fruit smoothie na may halong placenta, uminom din si Coleen ng isang kapsula na gawa sa placenta ng kanyang baby.
Masaya namang ibinahagi ni Coleen na ang ilang bahagi ng placenta ay ginawang alahas ng kanilang doula para gawing souvenir ng kanyang unang panganganak.

Samantala, aminado naman ang aktres na maraming tao ang hindi sang-ayon sa pag-inom ng placenta. Gayunman, binigyang-diin niya na ‘personal choice’ umano niya na inumin ang kanyang placenta.
Ani Coleen, “It’s something that’s really not talked about. A lot of people disagree with it. But I did my own research and this is a personal choice. This is something I wanted to do.”
Kumbinsido rin si Coleen na mayroong magandang naidulot sa kanya ang pag-inom niya ng kanyang placenta.
Ani Coleen, “You guys will find this so gross but I felt like it had a good effect on me.”
Maging si Billy ay naniniwala rin na nakatulong sa mabilis na pagrekober ni Coleen ang pag-inom nito ng kanyang placenta.
Ani Billy, “It gave her energy and it actually heals her a bit quicker — it gives her good nutrients.”