Balik-pelikula na ang “Ex with Benefits” actress na si Coleen Garcia sa movie na “Adarna Gang” makalipas ang halos dalawang taong pagtigil niya sa pag-arte.
Credit: @coleen Instagram
Matatandaang tumigil sa pag-arte si Coleen noong 2020 matapos niyang ipanganak ang panganay na anak nila ni TV host Billy Crawford na si Amari Jaden.
At sa katatapos lang na mediacon para sa kanyang comeback movie, ibinahagi nga ni Coleen ang kanyang karanasan habang nagtatrabaho at ginagawa ang kanyang mga responsibilidad bilang isang ina. Isa na rito ang pagpapa-breastfeed kay Amari.
Inamin ni Coleen na hindi siya gaanong nahirapan habang ginagawa ang kanilang pelikula dahil isinama niya si Amari sa kanilang lock-in taping na nagsimula lamang Nobyembre noong nakaraang taon.
Credit: @coleen Instagram
Kwento ni Coleen, nangyari ito noong pinapayagan pang lumabas ang mga bata. Aniya, habang siya ay nagtatrabaho ay nanatili naman sa tinutuluyan niyang hotel si Amari.
“Nag-shooting kami sa isang place na zero talaga yung C0VID-19 cases. Ito pa yung time na puwede nang lumabas yung mga bata. Si Amari, hindi siya nakaapak sa set pero kasama ko siya sa hotel. He stayed with us sa hotel room, nandoon lang siya. He never left,” bahagi ni Coleen.
Ngayong ina na siya, iginiit ni Coleen na prayoridad niya ang kanyang anak. Kaya naman masaya at panatag siya dahil hanggang ngayon ay natutugunan pa rin niya ang pangangailangan ng kanyang anak kahit nasa trabaho siya.
Credit: @coleen Instagram
“I felt safe kasi hanggang ngayon, breastfeeding pa rin kasi ako, so every time he needs me, I’m really there for him,” saad ni Coleen.
Dagdag niya, “We worked so efficiently, hindi kami napa-pack up nang sobrang late so I’m able to come back to him. If ganito naman yung working conditions, I don’t mind working all the time. But, of course, Amari is always going to be a priority for me.”
Samantala, dahil matagal-tagal din siyang huminto sa pag-arte, aminado si Coleen na nakakaramdam siya ng ‘pressure’ at ‘intimidation’ dahil katrabaho niya ang ilang batikang artista sa showbiz.
Credit: @coleen Instagram
“Ang pagiging aktor kasi siyempre magkakaibang techniques, magkakaibang ways of getting the emotion out and for me, I had to figure that out all over again. Para sa akin, yun siguro ang naging pinaka-challenge pero mas nakaka-pressure lang talaga because I was surrounded by really good actors and not only that, lahat talaga sila, active,” pag-amin ni Coleen.
Kasama ni Coleen sa “Adarna Gang” ang mga artistang sina Jay Manalo, Ronnie Lazaro, JC Santos, Mark Anthony Fernandez, at Diego Loyzaga.