Coleen Garcia, ibinahagi ang cute na pagtulog ng anak na si Amari habang hawak ang isang basketball

Karaniwang baon ng babies kapag nasa kama na’t matutulog ay teddy bear, mga laruan o hindi kaya’y rattle pero tila’y kakaiba ang baby boy ni Coleen Garcia at Billy Crawford na si baby Amari dahil isa lang namang totoong bola ng basketball ang katabi niya sa pagtulog!

Credit: @coleen Instagram

Simula nang official na ipinakilala sa publiko ng couple na si Coleen at Billy Crawford ang kanilang anak na si baby Amari, naging sentro na rin siya ng atensyon. Dahil sa kagwapuhang taglay na nakuha niya sa kanyang Mommy at Daddy, talagang sinusubaybayan na rin siya ng netizens lalo na’t may kakulitan din ito katulad na lamang ng pinakabagong post ni Coleen sa kanyang Instagram account kung saan ay ibinahagi niya ang nakakaaliw na larawan nila ng anak habang nasa kama.

Unang pagkakataon ito na ikinuwento ng celebrity Momshie sa kanyang fans at followers sa Instagram na may ‘bedtime routine’ sila ni baby Amari at ito ay pagpili ng isang bagay na itatabi ng kanyang anak sa pagtulog.

“Raw reality. We have a bedtime routine that includes saying good night to everything in the house, during which Amari gets to pick a comfort item to bring to bed with him. He nurses to sleep while holding them,” ayon kay Coleen.

Credit: @coleen Instagram

Kung noo’y mga bato at laruang bola umano ang ibinabaon nito sa tuwing pinapatulog, tila’y nag-upgrade na ngayon si baby Amari dahil totoong basketball na ang dinala niya sa kama!

“It used to be rocks and small balls, one on each hand, but tonight we have graduated to full-sized basketball. Oh, the things I do for this child,” sabi ng aktres.

Dahil sa kaaliwang ito ng anak, talagang umuwi ang kanyang Daddy Billy para lamang personal na makita ang adorable na moment ni baby Amari. At mukhang hindi lamang siya ang nasiyahan dahil kahit kapwa celebrities nila ay napa-comment din!

Credit: @coleen Instagram

“Hahahaha soo cute,” ayon kay Isabelle Daza.

“You rock Coleen! ❤️👏👏 kyut ni Amari ang laki ng bola kayang kaya nya🏀🏀🏀 #breastfeedingmom 💜,” sabi naman ng asawa ni Julis Babao na si Cristine.

“So so cute!” komento naman ni Katarina Rodriguez.

Maaga pa man para sabihin pero mukhang may potential maging player sa pagba-basketball si baby Amari, ah?

Credit: @coleen Instagram

Maliban sa cute na moment na ito ni baby Amari, marami rin ang humanga sa Momshie duties ni Coleen na para bang sobrang natural niya sa ginagawa. Bukod sa pag-arte at pagho-host, isa ring kahanga-hangang Mommy ang nag-iisang Coleen Garcia!