Coleen Garcia, ipinasilip sa netizens ang unang beses na pagswi-swimming ng kanyang anak na si baby Amari

Bilang isang first-time mom ay hindi mapigilang ma-excite ng aktres na si Coleen Garcia na makita ang kanyang baby boy na si Amari Jaden na nakakaranas ng mga bagong bagay! At ngayong si baby Amari ay pitong buwang gulang na, may mga bagong bagay siyang pwedeng gawin, isa na nga rito ang pagswi-swimming.

Credit: @coleen Instagram

Ngunit, sa ngayon, kahit na nais ni Coleen na dalhin si baby Amari sa beach, hindi niya ito magawa dahil sa kasalukuyang sitwasyon na nararanasan natin.

Kaya naman sa isang inflatable swimming pool sa kanilang bahay unang nasubukan ni baby Amari na mag-swimming.

Kamakailan ay nag-post si Coleen ng ilang mga nakakatuwang larawan ni baby Amari na nagswi-swimming sa kauna-unahang pagkakataon sa kanyang Instagram account na naghatid naman ng kasiyahan sa maraming netizens

“Amari’s first time to swimmmm,” caption ni Coleen sa serye ng litrato at video ng unang pagswi-swimming ni baby Amari.

Credit: @coleen Instagram

Kahit nasa loob lamang sila ng kanilang bahay ay nakasuot pa rin si baby Amari ng isang beach outfit. Kinaaliwan din ng marami ang pagsusuot ng sunglasses ni baby Amari na tila nasa isang beach talaga siya.

Sakay ang kanyang napaka-cute na salbabida ay enjoy na enjoy si baby Amari sa pagtatampisaw sa tubig.

Nakabantay naman si Coleen at ang kanyang asawa na si Billy Crawford habang nagswi-swimming si baby Amari.

Maririnig din sa boses nina Coleen at Billy ang kanilang kasiyahan na makita si baby Amari na nagswi-swimming sa unang pagkakataon.

Samantala, nag-post naman si Coleen ng ilang throwback pictures kung saan makikita si baby Amari na ‘chill’ lamang habang nakahiga sa isang bean bag sa harap ng beach.

Credit: @coleen Instagram

Ayon kay Coleen, sa kabila ng kanyang excitement na dalhin sa beach si baby Amari ay hanggang throwback nalang muna ang kanyang magagawa.

Aniya, “He’s allowed to swim naaaa and I’ve been so excited to take him back to the beach, but hanggang throwback lang muna cause it’s still too scary to go out with him 😢 or to go out at all.”

Credit: @coleen Instagram

Dagdag ni Coleen, “Stay safe and healthy, everyone! Please be careful, and be considerate to the people around you. I know we’re all so over this already and we just want to go back to the way things were, but the best thing to do for now is to sacrifice, cooperate, and be smart. 🙏🏻 More people we know have been affected by C0VID. The threat is still quite real, so let’s continue to pray for everyone!”

Ganunpaman, kahit sa isang inflatable pool muna nag-swimming si baby Amari ay na-enjoy pa rin niya ito at talagang isa ito sa mga hindi malilimutang karanasan nina Coleen at Billy bilang first-time parents.