Coleen Garcia, masayang ipinakilala ang karagdagang baby sa kanilang pamilya

Isa si TV actress Coleen Garcia sa mga aktres na naging isang ganap na mommy ngayong taon.
Ngunit bukod sa unang anak nila ng kanyang asawang si Billy Crawford na si Baby Amari Jaden, ay mayroon pang isang biyaya na natanggap si Coleen ngayong taon.

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram   

Nitong October 29 lamang ay masayang ibinahagi ni Coleen na bukod kay Baby Amari ay mayroon pang isang baby sa kanilang pamilya.

Kamakailan kasi ay winelcome ng kanyang ama na si Jose Luis ang unang anak nito sa kanyang bagong asawa.

Ngayon taon ay hindi lang naging first time mom kundi winelcome rin ni Coleen ang kanyang nag-iisang kapatid na babae.

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

Sa kanyang Instagram ay nag-post si Coleen ng isang larawan kung saan makikita siyang kinakarga sa magkabilang mga kamay ang kanyang anak na si Amari at kanyang bagong silang na kapatid.

Sa caption ay ibinahagi ni Coleen ang isang testimony kung saan ay idinetalye niya kung paano sinabi ng Diyos sa kanya na magkakaroon ng bagong anak ang kanyang ama.

Kwento ni Coleen, “Around March of last year, during worship at @favor.church, I was in tears after God so clearly told me that my Dad was gonna have another child, and that he was going to be given a new beginning.”

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

Dagdag ng aktres, “I felt Him say that things were gonna get crazy—in a good way, ofc. Don’t know how to explain it, but it was so clear, specific, and out of the blue. I told everyone around me before telling my Dad (in the presence of our Connect group because I needed witnesses) 😆”

Ayon pa sa aktres, 15 taon na umanong single ang kanyang ama magmula nang maghiwalay sila ng ina ni Coleen.

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

Paglalarawan pa ni Coleen sa kanyang ama, “[he] was always the most cynical person when it came to his personal life.”

Pagde-detalye pa ni Coleen na noong sabihin umano niya sa kanyang ama na magkakaroon ito ng bagong anak ay hindi umano ito naniwala.

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

Isang himala nga raw na maituturing na ilang buwan ang makalipas matapos niyang sabihin sa ama na magkakaroon ito ng bagong anak, ay nakilala umano nito ang babaeng kanyang papakasalan.

Sa huli ay saad ni Coleen, “Fast forward to today.. I guess this is the crazy part. 😝 Never would have imagined that my Dad and I would be raising our babies at the same time! But God’s just awesome like that. Way-maker, miracle worker, promise keeper.”