Coleen Garcia, may mensahe para sa kanyang kapatid na nagdiwang ng ika-1 na kaarawan

Kinagigiliwan ngayon sa social media ang bunsong kapatid ni Coleen Garcia na si baby Alison dahil sa kanyang angking ganda at cuteness!

Credit: @coleen Instagram

Lingid sa kaalaman ng marami, kapatid ni Coleen sa kanyang ama na si Jose Luis Garcia si baby Alison. Marami nga ang naaaliw kay baby Alison lalo pa’t malaki ang kanyang pagkakahawig sa kanyang Ate Coleen.

Credit: @coleen Instagram

Hindi naman maikakailang isang proud ate si Coleen sa kanyang baby sister na nitong October 20 lamang ay nagdiwang ng kanyang ika-1 taong kaarawan!

Kay bilis nga namang lumipas ng panahon dahil parang kailan lang noong inihayag ni Coleen ang kanyang pagkamangha dahil parehas lamang sila ng kanyang ama na may inaalagaang sanggol. At ngayon ay isang taong gulang na si baby Alison na halos kasing edad lamang ng kanyang unico hijo na si baby Amari.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Coleen ang ilang cute photos ni baby Alison na kinunan mula sa “Alice in Wonderland” themed party nito.

Makikitang enjoy na enjoy si baby Alison sa kanyang birthday party at nagbihis pa siya bilang si Alice na siyang bida sa nasabing Disney movie.

Credit: @coleen Instagram

Sa kanyang post, nagbahagi rin si Coleen ng isang sweet na mensahe para sa kanyang bunsong kapatid.

Ani Coleen, “Happy first birthday to our loud, happy baby bunso, Alison! 🥰 Ate loves youuuuuu! And I’ll always be here for you.”

Maging ang netizens ay nagpaabot din ng kanilang birthday messages para sa napakacute na kapatid ni Coleen. Komento nila:

“So adorbs! Happy birthday baby Ali”

Credit: @coleen Instagram

“Happy Birthday Cute Baby Girl GOD BLESS You Little Princess”

“You are such a sweet ate…happy birthday cutie pie.”

Matatandaang noong Oktubre 2020, masayang ipinakilala ni Coleen sa publiko si baby Alison.

Sa kanyang nakaraang post, ikwenento ni Coleen kung paano ipinahayag sa kanya ng Panginoon na ang kanyang ama, na 15 taon ring walang asawa, ay magkakaroon muli ng anak bago nito makilala ang ina ni baby Alison.

Credit: @coleen Instagram

Aminado naman si Coleen na hindi niya akalain na siya at ang kanyang ama ay sabay na magpapalaki ng kanilang mga sanggol. Gayunpaman, umaapaw naman daw ang kanyang kasiyahan dahil sa pagdating ni baby Alison sa kanilang buhay.

“Around March of last year, during worship at @favor.church, I was in tears after God so clearly told me that my Dad was gonna have another child, and that he was going to be given a new beginning,” ani Coleen.

Dagdag niya, “Never would have imagined that my Dad and I would be raising our babies at the same time! But God’s just awesome like that. Way-maker, miracle worker, promise keeper. “

Maliban nga kay baby Amari, isa si baby Alison sa pinagkukunan ng lakas at kasiyahan ngayon ni Coleen sa buhay.