Ibinida ng aktres na si Coleen Garcia ang kanyang postpartum body nitong November 20. 10 linggo na ang nakalilipas mula nang ipanganak ni Coleen ang unang supling nila ni TV host-performer Billy Crawford na si Amari Jaden.

Sa ngayon nga ay hands-on sina Coleen at Billy sa pag-aalaga kay Baby Amari. Dahil naman may trabaho si Billy kaya si Coleen muna ang parating nakatutok kay Baby Amari.
Sa kabila naman ng kanyang busy schedule bilang isang full-time mama ay nagkaroon pa rin si Coleen ng oras para makapag-ehersisyo.

Sa kanyang Instagram ay nag-post ang first time mom ng isang letrato kung saan kita ang kanyang postpartum body.
View this post on Instagram
Kahit medyo nadagdagan ang timbang ni Coleen dahil sa kanyang pagbubuntis ay hindi pa rin nawala ang magandang hugis ng kanyang katawan. Alam naman natin na nagbabago talaga ang katawan ng isang babae kapag siya ay nagbubuntis at maging pagkatapos niyang manganak. Kahanga-hanga rin ang mabilis na pagbabalik ng katawan ni Coleen sa dati.

Kitang-kita sa letrato ang paglabas ng abs ni Coleen na animo ay hindi dumaan sa pagbubuntis at panganganak ang aktres.
Sa caption, ay ikwenento naman ni Coleen na bahagi na ng kanyang “new normal” na tutukan ang baby monitor ni Baby Amari sa tuwing may ginagawa siyang ibang bagay.

Saad ni Coleen, “Doing things 30 min at a time while keeping my eyes glued to the baby monitor — all part of my new normal 🙃”
Ibinahagi rin ni Coleen na simula noong first trimester ng kanyang pagbubuntis ay ngayon lamang ulit siya nakapagsuot ng leggings.
Aniya, “Also managed to put legging on for the first time since my first trimester lol”
Maraming kasamahan naman ni Coleen sa showbiz ang napa-wow sa kanyang postpartum s3xy body.
Komento ng beauty queen na si Rachelle Peters, “You look amazing!!!”

Ani naman ni Iya Villania, “Looking good mama!!!”
Sabi naman ni Rufa Mae Quinto, “S3xy agad can’t wait to see you baby”
Maging ang mga netizen ay nabigla sa pagiging fit at s3xy ni Coleen ilang buwan lamang matapos niyang manganak. Komento ng netizens:
“Grabe parang hindi nanganak! Sexy na ulit amazing”

“wow as in woo as abs!”
“Sana all ganyan after manganak!”
“Haist mappa sana all nalang tlga aq haha ako ka sexy parin prng d nanganak”
April 20, 2018 ikinasal sina Coleen at Billy sa isang beach wedding sa Balesin Island.