Coleen Garcia, napakaganda ng natanggap na regalo para sa kanyang ika-28 na kaarawan

Walang mapaglagyan ang kasiyahan na nararamdaman ngayon ng aktres na si Coleen Garcia sa pagdiriwang niya ng kanyang ika-28 taong kaarawan. Bukod pa dito ay isang napakagandang regalo para sa kanyang kaarawan ang kanyang pagsilang sa kanilang unang anak ni Billy Crawford na si Baby Amari.

Credit: Billy Crawford Instagram      

Isang espesyal na buwan para kay Coleen ang September dahil bukod sa kanyang kaarawan ay ito rin ang buwan na ipinanganak niya ang kanyang unang anak na si Amari.

Credit: Billy Crawford Instagram

Sa isang Instagram post ay ipinahayag ni Coleen kung gaano ka-espesyal para sa kanya ang kanyang kaarawan ngayon taon at mga susunod niya pang kaarawan.

Credit: Billy Crawford Instagram

Ikwenento ni Coleen na kung noon ay hindi niya masyadong binibigyang pansin ang kanyang kaarawan, ngayon ay napaka-espesyal na raw nito dahil kay Amari.

Ani Coleen sa caption, “Never really cared much about my birthday, but this little guy has given me a new reason to love my birth month. 🥰 Thank you, Lord, for the gift of family. It’s all I really need.”

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

Samantala, hindi naman napigilan ni Billy Crawford na maging emosyonal sa kanyang birthday message para kay Coleen.

Credit: Billy Crawford Instagram

Sa caption ng kanyang post ay pinuri ni Billy si Coleen dahil sa mga pagsasakripisyo na ginawa nito para sa kanilang pamilya. Ani Billy, utang daw niya sa asawa ang kanyang napakagandang pamilya.

Credit: Billy Crawford Instagram

Ani Billy, “Happy birthday #myeverything @coleen. Your life has been so colorful and time and time again you always shock the world! You are the toughest, strongest, smartest, beautiful, wonderful, I mean, I can go on and on and on. But I really just want to thank you for everything! Apart from the obvious, sacrificing everything to give us a healthy, beautiful family. I praise God for you.”

Credit: Billy Crawford Instagram

Dagdag ni Billy, “I know you don’t care much about celebrating your birthday but you get to have the same birth month as our son and that is something super special. We owe you our lives. Please do enjoy this special day. If it ain’t special for you, it’s special for all of us who love you and care for you. I love you so so much. Happy, happy birthday my Queen!”

Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

Naging isang ganap na magulang sina Coleen at Billy noong September 10 nang isilang ni Coleen si Baby Amari sa pamamagitan ng water birth.