Coleen Garcia, ready gampananan ang mommy duties kahit habang nakasakay sa paddle board

Kahit anong oras man o kahit nasaan man, wala talagang hangganan ang duties ng isang ina kaya talagang hindi matatawaran ang kanilang kakayahan, sakripisyo, at pagmamahal para sa kanilang mga anak. Sadyang kakaiba talaga ang role ng isang Mommy!

Credit: @coleen Instagram

Sa maraming taon na pamamalagi ni Coleen Garcia sa showbiz, hindi kailanman naging bago sa pandinig ng karamihan ang kanyang pangalan. Mula sa pagho-host at pag-arte ay talagang napapabilib niya ang lahat dahil sa husay at galing niya sa nasabing mga larangan. Maliban sa kanyang mga talento, labis din siyang hinahangaan dahil sa taglay niyang kagandahan kaya naman pati si Billy Crawford ay hindi naiwasang mahulog ang loob sa kanya.

Kahit na’y naka-focus ngayon sa kanyang Mommy duties, hindi naman tuluyang pinuputol ni Coleen ang kanyang connection sa mundo ng showbiz at sa kanyang fans. Sa katunayan, patuloy siya sa pagbibigay ng update. Kung noon ay tanging mga larawan lamang niya o hindi kaya’y nilang dalawa ng asawa na si Billy ang laman ng kanyang Instagram feed, ngayon naman ay halos mapuno na ito ng mga larawan at videos ni baby Amari na paulit-ulit namang binabalikan ng netizens dahil sa kakulitan nito.

Credit: @coleen Instagram

Sa latest na post ng aktres sa kanyang Instagram account, ibinahagi niya ang larawan ng kanyang munting pamilya kung saan ay masasaksihan ang adorable at wholesome na moment nila ni baby Amari.

Credit: @coleen Instagram

Pagkukuwento ni Coleen, first time umano niya sa pagpa-paddle boarding kaya talagang ini-enjoy niya ang bawat oras nang mag-isa ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla umano siyang nakita ng kanyang chikiting habang nasa kalagitnaan ito ng paglalaro sa tubig kaya kinailangan ng aktres na isantabi muna ang kanyang ginagawa upang [email protected] si baby Amari.

Credit: @coleen Instagram

“It was my first time on the paddle board, and I was finally having some nice alone time, until the little guy spotted me while he was playing in the water. It was nice while it lasted,” pahayag ni Coleen.

Iisa lamang ito sa mga sitwasyon kung saan ay makikita at matutunghayan ang pagiging dakila ng mga ina pagdating sa kanilang mga anak.