Comedian na si Chariz Solomon, proud na nagpost ng letrato kasama ang bagong silang na anak habang nakasuot siya ng adult diaper

Isinilang na ni Kapuso actress-comedian Chariz Solomon ang kanyang ikatlong anak nitong September 30.

Credit: Chariz Solomon Instagram

 

Sa isang Instagram post ay inanunsyo ni Chariz ang pagdating ng anak nila ng partner na si Vince Teotico na pinangalanan nilang Andreas.

Makikita sa larawang ibinahagi ni Chariz na karga-karga ni Vince ang anak habang nanonood ng Game 1 ng NBA Finals sa loob ng hospital room.

Credit: Chariz Solomon Instagram

Sa isa pang hiwalay na Instagram post, makikita si Chariz na karga at pinapad3de ang kanyang anak habang nasa kanyang hospital bed.

 

View this post on Instagram

 

DiaFIERCE.

A post shared by Chariz Solomon (@chariz_solomon) on

Binulabog naman ni Chariz ang lahat dahil sa suot niyang adult diaper. Hindi alintana ni Chariz na hospital gown at adult diaper lang ang suot niya at game pa rin itong umawra.

Credit: Chariz Solomon Instagram

Kapansin-pansin naman sa larawan na hindi pa rin kumukupas ang kaseksihan ni Chariz kahit kakapanganak pa lang nito.

Caption ni Chariz sa IG post, “DiaFIERCE”

Umani agad ng maraming papuri at paghanga mula sa mga kasamahan niya sa showbiz ang actress-comedian.

Credit: Chariz Solomon Instagram

Komento ni TV host-actress Iya Villania, “Ay!!!Emoooote!!![laughing emoji] congrats Cha and Chot!!![heart emojis]”

Saad naman ni Kapuso actress LJ Reyes, “The new sexy! [laughing emojis]”

Saad naman ng singer na si Jessa Zaragoza, “In Style mommy!”

Credit: Chariz Solomon Instagram

Biro naman ng isang kaibigan ni Chariz na kinabog umano ni Chariz si Coleen Garcia sa kaseksihan!
Aniya, “Anong sinabi ng newborn photos ni Coleen?”

Nagkomento rin ang kasamahan ni Chariz sa Kapuso comedy show na “Bubble Gang” na si Valeen Montenegro.

Komento ni Valeen, “Oh wow!!! Congratttts Mommy Chaaa”

Credit: Chariz Solomon Instagram

Hindi naman kinaya ni TV host-actress Camille Prats ang pagiging fierce ni Chariz kahit nakasuot lang ng adult diaper.

Ani Camille, “Grabeeeee siya!!!!! Congrats my mars!!”

August ngayong taon nang kinumpirma ni Chariz ang kanyang pagbubuntis sa ikatlong anak.
Si Chariz at Vince ay dalawang taon nang magkasintahan.

Credit: Chariz Solomon Instagram

May 26 noong nakaraang taon nang mag-post sa Instagram si Chariz ng larawan nila ni Vince, na isang club DJ at customer marketing manager ng isang liquor brand.

Credit: Chariz Solomon Instagram

Sa kasalukuyan ay legal na kasal pa rin si Chariz sa businessman na si Nestor Ng. Mayroong dalawang anak si Chariz sa dating asawa na sina Apollo at Ali.