Coney Reyes, ipinagmalaki ang anak na si Vico Sotto matapos mapasama sa listahan ng “People of the Year” awardees ng PeopleAsia

Isa sa mga pulitiko na gumawa ng malaking ingay ngayong taon ay ang batang alkalde ng Pasig City na si Mayor Vico Sotto.

Credit: Vico Sotto Instagram   

Tumatak sa maraming tao si Mayor Vico hindi dahil anak siya ng dalawang beteranong artista na sina Coney Reyes at Vic Sotto ngunit dahil sa kanyang mga ipinatupad na natatangi at epektibong paraan ng pagtugon sa s@kit na c0vid sa kanyang bayan.

Credit: Coney Reyes Instagram

Dahil dito ay napasama si Mayor Vico sa listahan ng 2021 People of the Year ng lifestyle magazine na PeopleAsia. Hinirang si Vico ng nasabing lifestyle magazine bilang “People’s Choice” awardee.

Sa kanilang Instagram account, ipinost ng PeopleAsia ang larawan ni Mayor Vico kalakip ng isang caption na hinahighlight ang maayos na paraan ng pagresponde nito sa c0vid.

Ani ng PeopleAsia, “Shortly after he put an end to a 27-year-old political dynasty, the mayor of Pasig made national headlines for his city’s efficient and somewhat unconventional response to COVID-19. Beloved by the people and supported by a solid mandate, “The Prince of Pasig” is as principled as they come.”

Credit: Coney Reyes Instagram

Binati naman si Mayor Vico ng kanyang ina na si Coney.

Ini-repost ni Coney sa kanyang Instagram account ang larawan ng kanyang anak na ibinahagi ng PeopleAsia.

Ayon kay Coney, proud na proud siya sa natamo ng kanyang anak. Aniya, “Congratulations, son! I’m so proud of you!”

Credit: Vico Sotto Instagram

Ayon naman sa statement na ibinahagi ng PeopleAsia sa kanilang official Facebook page, ang kanilang mga “People of the Year” awardee ay mga natatanging personalidad na tumutulong na pagalingin ang mundo “by serving others.”

Sa isa pang Instagram post, sinabi ng PeopleAsia na ang kanilang mga awardee sa taong ito ay patuloy na nagpapalaganap ng “contagion of hope” mula sa pakikipaglaban sa p@ndemya “to uplifting others in the face of calamities, to bringing opportunities to countless Filipinos in search for greener pastures.”

Credit: Vico Sotto Instagram

Samantala, ang iba pang mga pulitiko na pinarangalan din bilang People of the Year ay sina Vice President Leni Robredo at Governor Jonvic Remulla.

Credit: Vico Sotto Instagram

Taong 2019 nang manalo si Vico bilang alkalde ng Pasig City.