Tunay na isang pambihirang pagkakataon ang pagpapakitang gilas sa harap ng ating iniidolo kaya talagang walang pinalagpas ang “The Clash 2021” contestant na si Mauie Francisco nang nakaharap si Lani Misalucha.
Credit: @mauiefrancisco Instagram
Isa si Mauie Francisco sa mga contestant ng “The Clash 2021” na talagang sinusuportahan at iniibig ng karamihan. Maliban sa kanyang talento sa pagkanta, kapansin-pansin din ang kanyang angking kagandahan.
Sa performance ni Mauie nito lamang nagdaang Sabado, October 9, pinahanga ng dalaga ang netizens at ang isa sa mga judge ng kompetisyon na si Aiai Delas Alas.
“Ang tapang mo na kinanta mo ‘yan habang nandito si Madame Lani Misalucha,” saad ng komedyante.
Isa naman umanong karangalan para kay Mauie na awitin ang 2003 na kantang “Tila” sa harap ni Lani Misalucha, ang tinaguriang “Asia’s Nightingale”.
Credit: @mauiefrancisco Instagram
“It’s such an honor po to sing that song for Miss Lani and for everyone,” sabi ni Mauie.
Natuwa naman si Christian Bautista sa choice ng kanta ni Mauie para sa kanyang performance pero hindi napigilang magtanong kung ano nga ba ang rason kung bakit “Tila” ang napili nitong kantahin.
Credit: @mauiefrancisco Instagram
“‘Tila’ is a song of hope and I’m hoping to be one of the top clashers po dito sa The Clash,” kampanteng sagot ni Mauie.
Bumilib naman si Christian sa ibinigay na performance ni Mauie pero kailangan pa umano nitong mag-level up upang mas mapagpabuti pa ang mga susunod na performance.
Credit: @mauiefrancisco Instagram
Malaki naman ang pasasalamat ni Asia’s Nightingale sa pagpili ni Mauie sa single niyang “Tila” at bilang isang judge, nagbigay si Lani ng isang makabuluhang advice upang mas ma-improve pa ni Mauie ang kanyang mga susunod na pagtatanghal.
“Na-notice ko na you used it in a lower key compared ‘dun sa original but that’s completely okay since inumpisahan mo siya sa very low. Sometimes, medyo mahirap din maintindihan ‘yung mga words so next time siguro, even na if mas mababa ‘yung key na inumpisahan… sana next time, mas malinaw ang pagbigkas,” komento ni Lani sa naging performance ni Mauie.
Sa huli, pinili ng judges si Jeffrey Dela Torre, ang kalaban ni Mauie pero hindi naman ito naging katapusan sa journey ng dalaga sa kompetisyon dahil nabigyan naman siya ng ikalawang pagkakataon upang mas mapatunayan pa niya ang kanyang kahusayan sa pagkanta matapos mapaupo sa “blue chair”.
Credit: @mauiefrancisco Instagram
Marami naman ang natuwa sa ibinigay na performance ni Mauie Francisco noong nakaraang Sabado at inaasahan pa ang kanyang pagbabalik sa susunod na weekend.