Isang maagang pamasko at bagong biyaya ang natanggap ng sikat na vlogger couple na sina Viy Cortez at Cong TV mula sa Maykapal.
Credit: @viycortez Instagram
Emosyonal ang dalawa matapos nilang malaman na sila ay magkaka-baby muli. Sa pamamagitan ng isang vlog, idinokumento ni Viy ang pagkakadiskubre niya na siya ay nagdadalang-tao.
Hindi nga mapigilan ni Viy na maiyak matapos parehong mag-p0sitibo ang r3sulta ng dalawang pregnancy t3st na kanyang ginawa.
Sa vlog, naiiyak na inamin din ni Viy na nakakaramdam siya ng mixed emotions.
Credit: @viycortez Instagram
Aniya, “Naiiyak ako kasi natatakot ako kasi, di ba, kaka-opera ko lang at negative ako nun eh, ano ‘yun eh mga two weeks ago.”
Dagdag pa niya, “So kung negative ako baka false positive din ngayon. So naiiyak ako kasi baka umasa lang ako tapos hindi naman pala [totoo]. Hindi ko alam. Nahalo-halo ang emosyon ko, naiiyak ako sa saya…Nalulungkot kasi, paano kung mawala na naman or pano kung hindi pala talaga?”
Kaagad namang sinabi ni Viy sa kanyang partner na si Cong ang magandang balita. At talaga namang napahiyaw sa tuwa si Cong dahil maging ito ay gustong-gusto na ring magkaanak.
Credit: @viycortez Instagram
“Totoo ba? Ha? Hindi umiiyak ka, totoo. Matulog ka na du’n! Bawal kang gumalaw,” ani Cong habang hindi maitago ang nararamdamang kasiyahan.
Samantala, upang masigurado at kumpirmahin kung totoo nga bang buntis si Viy, nagpa-check up kaagad ang vlogger couple.
At dito na nga napaluha sa sobrang saya si Viy dahil kumpirmadong siya ay nagdadalang-tao nang marinig nila ang heartbeat ng kanilang sanggol.
Ngunit hindi lamang ang dalawa ang labis na natuwa sa balita kundi maging ang kanilang mga kasamahan sa Team Payaman.
Credit: @viycortez Instagram
Larawan sa mukha ng mga kaibigan at kapamilya ng vlogger couple ang kasiyahan nang malaman ang pagbubuntis ni Viy.
Bumuhos naman ang pagbati para kina Viy at Cong mula sa mga netizen.
“You can really see how happy and excited Cong ks. First time parents always got me . So happy for the both of you. Safe pregnancy ate Viy!”
Credit: @viycortez Instagram
“Habang pinapanuod ko naka-smile ako sa mga reaction nila. Congrats, ate Viy!!! God bless sainyo”
“I’m crying (for joy) the whole time..congrats Cong and Viy”
“bakit sobra iyak ko?? sobrang nakakatuwa reaction ni cong at ni viy im so happy for the both of youuuu!!”
Matatandaan na dati nang nabuntis ang dalawa noong nakaraang taon ngunit sa kasamaang palad ay nakunan ang vlogger-entrepreneur.