Para sa mga Kristiyano, isa sa mga mahahalagang araw sa kanilang buhay ay ang araw na sila ay bininyagan. Ito rin ay isang milestone na nakamit ng mga magulang dahil nagampanan nila ang isa sa kanilang mga tungkulin bilang magulang sa kanilang anak.
Credit: @jose_liwanag Instagram
Kabilang naman sa mga nabinyagan kamakailan ang unang anak ni dating child star Carlo Aquino na si baby Enola Mithi.
Isa na ngang ganap na Kristiyano si baby Enola Mithi na anak ni Carlo sa kanyang non-showbiz model girlfriend na si Trina Candaza matapos itong mabinyagan noong February 11.
Pagkatapos naman ng binyag sa simbahan ay agad itong sinundan ng isang simpleng baptismal reception na ginanap naman sa Flossom Kitchen + Cafe sa San Juan City.
Kabilang sa mga dumalo sa binyag ang pamilya nina Carlo at Trina at ang kanilang malalapit na kaibigan.
Credit: @jose_liwanag Instagram
Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Carlo ang ilang masasayang larawan nilang magpamilya na kinunan sa araw ng binyag ni baby Enola Mithi.
Sa kanyang caption, pinasalamatan ni Carlo ang mga tumulong sa kanila upang maging matagumpay ang binyag ng kanyang anak.
Caption ni Carlo sa kanyang Instagram post, “Always ready, always prepared, thank you @eventsbymissp @niceprintphoto @honeyglazecakes”
Matatandaan na ipinanganak ni Trina si Enola Mithi noong September 13, 2020.
Credit: @jose_liwanag Instagram
Nag-post naman si Carlo ng isang close-up photo ng kanyang unang anak at sa caption ay isinulat niya ang isang linya mula sa sikat na kanta ni Rico Blanco na “Your Universe” upang ipahayag ang kanyang pagmamahal sa kanyang anak na babae.
“You can thank your stars all you want but [I’ll] always be the lucky one,” sulat ni Carlo bilang caption sa newborn photo ni baby Enola Mithi.
View this post on Instagram
Samantala, matapos inanunsyo na siya ay isang ama na, ibinahagi ni Carlo sa isang panayam sa kanya ng writer-host na si Darla Sauler kung paano binago ng pagiging ama ang kanyang buhay at mga prayoridad sa buhay.
Credit: @jose_liwanag Instagram
Bahagi ni Carlo kay Darla, “Sobrang sarap sa pakiramdam na hindi na ‘yung sarili mo ‘yung priority kung ‘di ‘yung mag-ina mo na, ‘yung family mo. Ang sarap na nagtratrabaho ka para sa kanila. Kasi ito, future ng anak ko ‘yung nakasalalay ‘di ba? Siyempre gusto mo maging stable, maging maayos kung saan siya mag-aaral, ‘yung mga ganung bagay,”
At kahit matagal nang ipinahayag ni Carlo ang kanyang balak na pakasalan si Trina, inamin niya na mangyayari pa ang kanilang kasal “soon”.
Credit: @jose_liwanag Instagram
Sa ngayon daw kasi ay mag-iipon pa umano sila ni Trina. Pokus din muna sila sa kanilang anak na unti-unti nang lumalaki.