Cute na anak ni Ryza Cenon na si Baby Night, kinatuwaan ng mga netizen sa kanyang ika-4 na buwang gulang na kaarawan dahil sa kanyang outfit!

Isa sa mga nagpapasaya ngayon sa aktres na si Ryza Cenon ang gwapong anak nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Miguel Antonio Cruz na si Baby Night.

Credit: @iamryzacenon Instagram

Sa sobrang adorable ni Baby Night ay madalas nga siyang panggigilan ng marami dahil sa kanyang matambok na pisngi at singkit na mata.

Marami ring napapangiti si Baby Night dahil sa kanyang mga nakakatuwang reaksyon na makikita naman sa mga larawan at video na ibinabahagi ni Ryza sa Instagram.

Talagang nae-enjoy ni Ryza ang kanyang pagiging mommy sa kabila ng mga hirap na kalakip ng pagiging isang magulang.

Unti-unti nang lumalaki si Baby Night at lumalabas na ang kakulitan nito na nagpapasaya naman kina Ryza at Miguel.

Credit: @iamryzacenon Instagram

Ngayong Marso ay ipinagdiriwang ni Baby Night ang kanyang ika-4 na buwang gulang na kaarawan na ginawa namang masaya at ‘extra-special’ ni Ryza.

Sa kanyang Instagram ay ipinost ni Ryza ang larawan ni Baby Night suot ang kanyang cute outfit na nagpangiti naman sa maraming netizens.

“Watashi wa! Happy 4 months my love! Thank you ninong @jopodelloro sa outfit ni Night!” ani Ryza sa caption ng larawan.

Mapapangiti ka na lamang talaga sa pagiging adorable at cute ni Baby Night sa kanyang suot na headband at kimono outfit.

Chinito si Baby Night kaya naman nagmistula talaga siyang tunay na Hapon sa kanyang outfit.

Credit: @iamryzacenon Instagram

Samantala, mukhang paborito talaga ni Ryza na bihisan si Baby Night ng cute na mga damit kahit pa nasa bahay lamang sila dahil na rin may p@ndemya.

Tulad na lamang ng suot nilang matching t-shirt at sunglasses na sobra naman talagang cute at astig din tingnan!

May caption pa ang larawan na “Mi amore! @iamnightcruz” o “My Love” sa Ingles.

Tila isang “baby boss” naman si Baby Night sa kanyang black and white outfit na pinaresan din niya ng isang black shades!

Ayon pa kay Ryza, si Baby Night daw talaga ang kanyang tunay na “baby boss”.

“My real boss baby with taas kilay pa @iamnightcruz,” nakakatuwang caption ni Ryza sa kanyang post.”

Heto naman ang ilan sa mga komento ng netizens na tuwang-tuwa kay Baby Night:

Credit: @iamryzacenon Instagram

“Hahahaha ang cute naman niyang batang yan!!!!!!! Bakit kasi ang bilog!!!!”

“Wow ang cute”

“Ang cute nakaka gigil”

“super cute ni baby night! Kakatuwa naman.”

Isinilang ni Ryza si Baby Night noong October 31, 2020.