Cute na mga litrato ni Zeinab Harake kasama ang anak na si Bia, good vibes ang hatid sa mga fans!

Isa sa mga pinakamatagumpay na vlogger ng kanyang henerasyon si Zeinab Harake. Kung bibisitahin ang kanyang YouTube channel ay makikitang hindi bumababa sa 1 milyon ang mga nanonood sa mga vlog ni Zeinab.

Credit: @zeinab_harake Instagram

May bagong achievement naman si Zeinab bilang isang vlogger at ito ay ang pagkamit ng kanyang channel ng 11 million subscribers.

Ngunit bukod sa nakamit niyang tagumpay sa mundo ng vlogging, may isang bagay pa na labis na ipinagpapasalamat si Zeinab sa Panginoon.Ito ay ang pagdating ng kanyang anak na si Zebbiana o Baby Bia sa kanyang buhay.

Credit: @zeinab_harake Instagram

Itinuturing ni Zeinab na malaking “BIAya” sa kanyang buhay si Baby Bia. Hindi maikakailang mas lalong na-inspire si Zeinab na gumawa ng vlogs dahil kay Baby Bia.

Matatandaang ipinanganak ni Zeinab si Baby Bia noong April 28. At mula nga nang dumating si Baby Bia sa buhay nila ng kanyang partner na si Pinoy rapper Skusta Clee o Daryl Ruiz ay mas naging makulay at napuno ng saya ang kanilang pagsasama.

Credit: @zeinab_harake Instagram

Sa ngayon, 4 na buwang gulang na si Baby Bia at talaga namang lumalaki siyang masayahin at palangiting bata.

Kamakailan nga ay pinusuan ng maraming netizens ang nakakatuwang litrato ni Zeinab kasama si Baby Bia na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.

Credit: @zeinab_harake Instagram

Sa mga litrato ay karga-karga ni Zeinab ang ubod sa cuteness na si Baby Bia.

Naghatid din ng good vibes sa marami ang isa nilang litratong mag-ina kung saan ay may nakakaaliw silang facial expression. Sa nasabing litrato ay sobrang cute ni Baby Bia habang mariing kinakagat ang kanyang labi na animo’y nanggigigil.

Samantala, dahil din sa kanilang larawan kaya mas nadepina ang pagkakahawig ni Baby Bia sa kanyang Mommy Zeinab. Ilang netizens din ang nakapansin sa taglay na kagandahan ni Baby Bia.

Credit: @zebbiana_ Instagram

Bumuhos naman ang maraming papuri mula sa netizens na tuwang-tuwa sa mga litrato nilang mag-ina.

“Cutie baby biaaa like her mommy zebby”

“Bat ganun parang magkapatid lang kayo ni bia ate zeinab”

Credit: @zebbiana_ Instagram

“Ganda talaga ni Baby Bia like her mom”

“Ganda nyo po mag-ina kakaproud”

“Like mother like daughter…ang gaganda”