Cute na posisyon sa pagtulog nila Neri Naig at baby Cash, umani ng atensyon mula sa netizens!

Talagang kakaiba ang dating kapag mag-ina na ang magkasama dahil maliban sa kanilang cuteness, tila’y magkakapareho rin ang paraan ng kanilang pag-iisip katulad na lamang ni Neri Miranda at ang kanyang anak na si baby Cash.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Kilala si Neri Naig-Miranda bilang isa sa mga sikat na aktres sa industriya ng showbusiness ngayon dahil sa hindi matatawaran niyang kahusayan sa larangan ng pag-arte. Maliban dito, kahanga-hanga rin ang angking galing ng aktres pagdating sa pagma-manage ng kanilang mga ari-arian at negosyo.

Bagama’t busy man, hindi naman kailanman nawalan ng oras si Neri para sa kanyang mga anak dahil talagang hands-on siya sa pag-aalaga sa mga ito.

Matatandaan na nito lamang Oktobre 2021 nang isinilang ni Neri ang ikatlong anak nila ni Chito Miranda na si baby Manuel Alfonso o kung tawagin nila bilang si baby Cash. Maliban sa good looks na namana ni baby Cash mula sa kanyang Mommy Neri at Daddy Chito, tila nakuha rin niya ang cuteness ng kanyang Kuya Miguel at mapapansin naman ito sa bawat larawan na ibinahagi ni Neri sa kanyang Instagram account.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Of course, hindi lamang pisikal na katangian ang namana ni baby Cash sa kanyang mga magulang dahil kuhang-kuha rin niya ang posisyon ng kanyang Mommy Neri kapag natutulog. Sa ibinahaging larawan ng aktres kumakailan lamang, hindi napigilan ng netizens na manggigil sa cuteness ng mag-ina.

“Motherhood,” sulat ni Neri sa kanyang caption kalakip ng larawan nila ni baby Cash habang mahimbing na natutulog at pareho pa na nakataas ang kanilang dalawang kamay.

Baby pa lamang, alam na ng kanilang fans kung kanino nagmana si baby Cash at sa usapang ito, talagang panalo si Neri!

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Dahil sa nag-uumapaw na cuteness na hatid ng larawan ni Neri at baby Cash, inulan ng papuri at nakakagiliw na komento ang mismong post ng aktres.

“Cute nyo pong mag-ina 😍😍😍 hehehe”

“Nakakagigil naman yang baby na yan 😍 sarap kagatin “kakaka tuwa same kayo ng porma matulog..😍”

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

“Sinong nangupya nang sleeping position? 😍 cute niyo pong tingnan 😢”

Marami nang ibinahaging decent na mga larawan si Neri kasama si baby Cash ngunit wala na yatang mas igaganda pa sa litrato nilang ito dahil talagang kuhang-kuha ang pagiging adorable nila kapag natutulog.