Cute reaction ni Megastar Sharon Cuneta matapos ‘di sinasadyang mabasag ang hinuhugasang pinggan, naghatid ng good vibes sa netizens!

Itinuturing bilang isang icon sa Philippine showbiz industry ang actress-singer at socialite na si Sharon Cuneta.

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Bumida sa napakaraming teleserye at pelikula si Sharon na binansagan din bilang “Megastar” sa showbiz. Napatunayan nga niya sa ilang dekada niya sa industriya ang kanyang kakaibang husay sa pag-arte at maging sa pag-awit at pagho-host.

At kamakailan, muling nagbalik si Sharon sa paggawa ng mga teleserye matapos siyang mapabilang sa longest-running action-drama series sa Philippine TV na “FPJ’S Ang Probinsyano.”

Sa katunayan, inaabangan ng maraming tagahanga ni Sharon ang muling pagbabalik niya sa teleserye matapos ang ilang taon niyang pamamahinga sa mainstream TV.

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Mainit din na tinanggap si Sharon ng bigating casts ng nasabing teleserye tulad nina Coco Martin, Julia Montes, Ara Mina, Angel Aquino, Shaina Magdayao at marami pang iba.

Ayon naman kay Sharon, masaya siya dahil sa wakas ay naging bahagi siya ng nasabing teleserye na malapit sa kanyang puso dahil matalik na kaibigan niya sa showbiz ang yumaong action star icon na si Fernando Poe Jr.

Saad pa ni Sharon, “tribute” niya para sa kanyang “best, best friend” ang pagiging parte niya sa nasabing teleserye.

Samantala, talagang nag-eenjoy si Sharon kasama ang kanyang co-stars sa nasabing teleserye. At kamakailan, ibinahagi niya ang isang video clip na kuha sa bahay na tinutuluyan nila habang naka lock-in taping na umani ng maraming reaksyon mula sa mga netizen.

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Nagbigay ng good vibes sa marami ang nasabing video ni Sharon dahil sa kanyang nakakatuwang reaksyon nang hindi sinasadyang nabasag ang hinuhugasan niyang plato.

Hindi maiwasan ng netizens na maaliw dahil sa napaka-cute na reaksyon ni Sharon matapos mabasag ang hinuhugasan niyang plato. Maliban dito, pinayuhan din ng netizens si Sharon na mag-ingat sa susunod o hindi naman kaya ay huwag nang maghugas ng pinggan. Komento ng netizens:

“Natawa ako maam @reallysharoncuneta yung basag na plate parang ginawa mong pizza”

“You’re cute and funny at the same time ate Sha! @reallysharoncuneta”

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

“You’re soooo cute, Ate Shawie Minsan lang po maghugas, nakabasag pa”

“Oh please don’t wash the dishes na Ms @reallysharoncuneta Buti hindi ka na sugatan Take care”

Sa ngayon, pumalo na sa mahigit 300K ang nakuhang views ng video ni Sharon sa Instagram.