Naghatid ng kasiyahan at kaaliwan ang panibagong vlog ng komedyanteng si Jimmy Santos sa mga netizen kung saan ay idinokumento niya ang kanyang pamamasyal sa Pampang Public Market sa Angeles City.
Credit: Jimmy Saints YouTube
Umaga pa lang ay bumisita na si Jimmy sa naturang palengke kung saan ay nagkaroon siya ng pagkakataon para kumustahin at makakwentuhan ang ilang tindero at tindera na maaga pa lang ay nagbubukas na ng kanilang mga tindahan.
Ilan sa mga nakakwentuhan ni Jimmy ay mga nagbebenta ng yelo, mga itlog, mga gulay at isang may-ari ng fruit stand.
Ibinahagi nga ng ilang naghahanap-buhay sa palengke ang kanilang mga karanasan sa pagbebenta ngayong panahon ng p@ndemya.
Credit: Jimmy Saints YouTube
Pinuntahan din ni Jimmy ang wet market ng palengke kung saan ay masaya niyang nakakwentuhan ang ilang mga nagbebenta ng karne.
Sa katunayan, sa huling bahagi ng video ay makikitang sinubukan ni Jimmy na sumideline sa paghihiwa ng mga karne at maging tindero na rin ng isang meat stand.
Makikitang aliw na aliw at talagang tuwang-tuwa ang mga nagtitinda sa palengke na makita at makakwentuhan si Jimmy.
Credit: Jimmy Saints YouTube
Kilalang likas na komedyante si Jimmy kaya naman tila naging natural na sa kanya ang magpatawa ng mga tao.
Samantala, kinaaliwan naman ng maraming netizens ang vlog ni Jimmy na may pamagat na “Jimmy Santos suma sideline sa palengke!” Komento nila:
“Eto po ang halimbawa kung papaano mag-entertain at magpatawa nang hindi nanlalait ng ibang tao. Maraming salamat po Tito Jimmy!”
“I am proud of Jimmy dahil sa kanyang work or sideline jobs, he is humble at hardworking”
Credit: Jimmy Saints YouTube
“That’s why I love this guy! he’s very humble and down to earth. God bless you more kuya Jimmy”
“Si sir Jimmy is still down the earth person, kind and generous. Great job!”
“Napasaya naman ako ni Idol Jimmy Saint…God Bless you idol Jimmy.”
Unang nakilala si Jimmy Santos ng marami bilang isang mahusay na basketbolista bago pa siya pumasok sa pag-aartista. Nabigyan naman siya ng showbiz break noong 1970 kung saan ay napanood siya sa ilang pelikula ni Fernando Poe Jr.
Credit: Jimmy Saints YouTube
Hanggang kalaunan ay nadiskubre ng manonood ang kanyang likas na talento sa pagpapatawa. Naging regular cast si Jimmy sa comedy series na “Iskul Bukol” at “T.O.D.A.S: Television’s Outrage0usly Delightful All-Star Show.” Araw-araw naman siyang napanood ng madla nang maging regular host siya ng noon-time TV show na “Eat Bulaga.”
Sa gitna naman ng p@ndemya ay sinimulan ni Jimmy ang kanyang YouTube channel na “Jimmy Saints” na ngayon ay mayroon nang mahigit 200K subscribers.