Dagul, naging emosyonal nang isinalaysay ang paghihirap matapos ang pagsho-showbiz

Buong akala man ng karamihan, kapag nasa showbiz ka, secured na ang kasalukuyan at future ng isang tao ngunit may iilan din sa kanilang nahihirapan katulad na lamang ng komedyanteng si Dagul na kumakailan lamang ay emosyonal na ikinuwento ang buhay niya ngayong isa na lamang siyang simple at normal na empleyado.

Credit: @dagulpastrana Instagram

Sa isang interview kasama si Ogie Diaz, napagdesisyunan ng komedyanteng si Romeo Pastrana o mas kilala sa pangalan nitong “Dagul,” na ikuwento sa publiko ang kanyang sitwasyon ngayong panahon ng p@ndemya kung saan ay hindi na siya masyadong nagkakaroon ng opportunity sa showbiz, at kasalukuyan ngayong nagtatrabaho bilang Head sa command center sa kanilang barangay.

“Sa ngayon, medyo mahirap kasi nga iba ‘yung sa showbiz ka. Iba ‘yung nagtatrabaho ka kasi ‘pag empleyado ka, ganun lang talaga ‘yung kinikita mo at hindi naman ganun kalaki kasi nga sa barangay, ang binibigay sa amin, honoraria lang,” ayon kay Dagul.

Credit: @dagulpastrana Instagram

Kapag weeekdays ay nasa opisina at nagtatrabaho si Dagul sa barangay hall at nagbabantay naman sa maliit na tindahan na pagmamay-ari ng kanilang pamilya tuwing weekend.

Bagama’t ilang taon din siyang nasa showbiz, inamin ni Dagul na ubos na ang perang ipon niya ngayon dahil ‘yun umano ang ginamit nila upang maipatayo ang tinitirhan nilang bahay ngayon.

“Siyempre sa tagal na, naubos na rin kaya survive na lang talaga. Ito, ‘yung bahay ko, ‘ito ‘yung naipundar ko tapos ‘yung kinita ko, dito ko na binayad kasi katwiran ko, ‘Mawala man ako sa showbiz, kahit papaano may bahay ako,'” sabi ni Dagul.

“Kaya sabi ko, ‘Sige. Okay lang. Laban pa rin. Basta kumikilos ka lang. Huwag ka lang tamad.’ Kasi ‘pag tamad ka, talagang walang mangyayari sa buhay mo,” aniya.

Dagdag pa ng komedyante, “Ako ang haligi ng pamilya kaya kinakaya ko kahit hindi ko na kaya… kinakaya ko.”

Credit: @dagulpastrana Instagram

Bagama’t mahirap man ang pinagdadaanan ngayon ni Dagul at ng kanyang pamilya, hindi naman siya kailanman nawalan ng pag-asa. Dahil dito, nagsilbi siyang inspirasyon para sa mga taong nanood ng bidyong ibinahagi ni Ogie sa YouTube.

“Grabe naiyak ako ng sobra! Dagul is one of the most humble and respected celebrity in the Philippines.”

Credit: Ogie Diaz YouTube

“Patuloy lang sa pag kayod Dagul, ganyan talaga ang buhay minsan nasa taas tayo minsan nasa baba tayo pero ang importante hindi tayo nawawalan ng pag asa.”

“so inspiring ang buhay ni dagul.kakatouch talaga.”

Credit: Ogie Diaz YouTube

Hindi naman masyadong nakikita ngayon sa telebisyon, forever naman na mananatili sa ating memorya ang pangalan at reputasyon ng nag-iisang Dagul.