Danica Sotto at Marc Pingris, masayang ibinalita na magkaka-baby na sila muli!

Bibihira lamang na napapansin ng karamihan ang pagmamahal at sakripisyo ng mga ama para sa kanilang pamilya at mga anak kaya nararapat lamang na iparamdam sa kanila ang appreciation na sobra nilang deserve.

Credit: @danicaspingris Instagram

Kilala ang mga ama bilang ang haligi ng tahanan dahil hindi rin biro ang responsibilidad nila sa pagtataguyod sa kanilang pamilya kaya importante talaga na mas mapasaya pa sila tuwing Father’s Day dahil sa araw na ito nabibigyan ng appreciation ang lahat ng kanilang sakripisyo.

Nito lamang Linggo, ipinagdiwang ng halos lahat ng pamilyang Pilipino ang Father’s Day ngunit ang kasiyahang ito ay dobleng naramdaman ng pamilyang Sotto-Pingris dahil hindi lamang sila nagkaroon ng celebration dahil may nakatanggap din sila ng magandang balita na masaya nilang ibinahagi sa publiko.

Sa Instagram ng basketball player na si Marc Pingris, ipinahayag niya ang kanyang nag-uumapaw na kasiyahan dahil sa panibagong blessing na natanggap ng kanilang pamilya kalakip ng ibinahagi niyang larawan ng ultrasound habang makikita naman ang kanyang asawang si Danica na nakahawak sa kanyang tiyan.

Credit: @danicaspingris Instagram

Sa caption ni Marc, mababasa ang, “Happy father’s day to me!!!😍🙏 thank you Lord for another blessing!👶 sa lahat ng mga daddy happy father’s day po sa inyo!”

Matatandaang unang nagkakilala si Danica at Marc noong taong 2005. Matapos ang dalawang taon, ikinasal naman ang dalawa at nagsimula ng munting pamilya. Kasalukuyan silang may dalawang anak na sina Jean Michal at Anielle Micaela, at ngayon ay inaasahan na ang pagdating ng kanilang ikatlong anak.

Sa update naman ni Danica sa kanyang Instagram account, nagbahagi siya ng isang maikling video kung saan ay mapapanood ang mag-asawa kasama ng kanilang mga chikiting na nakatakip sa larawan ng kanilang ultrasound.

Credit: @danicaspingris Instagram

“Thank you Lord for our answered prayer. 🙏🥲♥️,” saad ni Danica.

Sa blessing na natanggap ng kanilang pamilya, talagang labis ang pagpapasalamat ni Danica at Marc dahil sa wakas, madadagdagan na rin ang miyembro ng kanilang pamilya.

Credit: @danicaspingris Instagram

Sa perpektong timing, talagang ramdam na ramdam ni Marc Pingris ang kadakilaan niya bilang isang ama sa mismong araw ng Father’s Day. Congratulations, Team Sotto-Pingris!