Kamakailan lang ay gumawa ng ingay ang pag-anunsyo ng sikat na basketball player na si Marc Pingris ng kanyang pagreretiro sa PBA. Maraming fans ang nagulat at nalungkot sa desisyon na manlalaro pero marami rin ang nagpahayag na pagsuporta sa kanya.
Credit: @danicapingris Instagram
Kabilang na sa lubos na sumusuporta sa desisyon ni Marc ay ang kanyang number 1 fan at maybahay na si Danica Sotto-Pingris.
Sa kanyang Instagram account ay nagpahayag si Danica ukol sa bagong yugto sa buhay ni Marc. Sinabi ni Danica na mamimiss niya ang makita ang kanyang asawa na naglalaro sa basketball ring pero excited rin siya sa mga susunod na mangyayari sa buhay ng kanyang asawa.
“I will definitely miss watching him play but I’m also excited for what lies ahead.”
Idinagdag din ni Danica na naniniwala siyang may mas magandang plano ang Diyos para kay Marc, “I know God has even greater plans.”
Credit: @danicapingris Instagram
Nagbigay din ng pasasalamat si Danica para sa lahat ng sumuporta sa kanyang asawa.
“To everyone who has supported Marc in his basketball career, Thank you so much! We are eternally grateful for all your love and support.”
Ikwinento din ni Danica sa naturang post ang kanyang experience sa tuwing may importanteng laro ito.
Credit: @danicapingris Instagram
“Every time Marc has a game, especially an important one, yung tipong mga do or d!e games… di mo makaka usap yan! He’s quiet and not his usual kulit self. Naka focus sa talaga sa game. Minsan ilang araw pa. I give him his space kasi nag iisip talaga yan ng malalim. But once the game is over… he will always look for me and the kids in the crowd so he can hug us and say he loves us.”
Sa dulo ng kanyang post ay sinabi ni Danica kung gaano siya ka-proud sa narating ng kanyang asawa. Sinabi din niya na lagi lang siyang nasa tabi nito.
Credit: @danicapingris Instagram
“I will be forever proud of what you’ve accomplished @jeanmarc15 I’ll always be by your side. Love you so much! #forevercheerleader”