Masayang nagdiwang ng kanyang ika-18 taong kaarawan ang half sister ni Kapamilya “Teen King” Daniel Padilla na si Romina Red Padilla. Ginanap ang birthday party ni Red sa Museo de Padilla sa Quezon City.

Nagkaroon ng mini-reunion si Red sa kanyang mga kuya kasama na nga rito si Daniel. Sa kanyang Instagram account, ay ibinahagi ni Red ang ilang video kuha mula sa kanyang 18th birthday party.
Mapapanood sa video ang todo bigay na pagsasayaw ni Red kasama ang kanyang amang si Rommel sa R&B disco funk soul music na “September” ng bandang “Earth, Wind & Fire”. Masayang-masayang tingnan ang mag-ama habang sumasayaw sa kanta.

Kitang-kita rin sa sumunod na mga video ang todo-hataw na pagsasayaw ni Red kasama ang kanyang mga kuya. Sa isang video ay makikita si Daniel na ibinida ang kanyang galing sa pagsasayaw sa kantang 80’s hit na “Footloose” kasama ang kanyang napakagandang kapatid.
View this post on Instagram
Para kay Red, isa sa mga pinakamasayang gabi ng kanyang buhay ang gabi kung saan nakasama niya ang kanyang ama at mga kapatid. Aniya sa caption ng kanyang Instagram post, “One of the best nights #18th”

Sa isa pang Instagram post, ay makikita ang serye ng mga letrato ni Red kasama ang kanyang mga magulang, mga kuya at kanyang ate na si Roanna. Simpleng “Famiglia” naman ang inilagay na caption ni Red sa kanyang post.

Samantala, binati rin si Red ng ina ng kanyang Kuya Daniel na si Kapamilya TV host at “Queen Mother” Karla Estrada.

Isang video ng pagsasayaw nila Red at Rommel ang ni-repost ni Karla sa kanyang Instagram account.
Sa caption ay isang sweet birthday message ang sinulat ni Karla para sa kapatid ni Daniel at anak ng kanyang dating partner.

Aniya, “Happy 18th Birthday @rominared_know that your kuya @supremo_dp will always be there for you.”
Maraming tagahanga naman ng KathNiel ang bumati kay Red sa kanyang ika-18 kaarawan. Marami naman ang nakapansin na dalagang-dalaga na nga si Red at artistahin din ang dating nito kagaya ng kanyang ama at mga kuya.