Dating aktor na si Lester Llansang, ibinahagi kung paano siya tinulungan ni Angel Locsin noon

Talagang may mga taong likas na mabubuti. Mapa-on at off cam man ay hindi talaga maitatanggi ang kabutihang puso ni Angel Locsin.

Credit: @therealangellocsin Instagram

Huwebes, September 16 nang nakapanayam ni Ogie Diaz si Lester Llansang. Sa bidyu ay matutunghayan ang nakakagulat na rebelasyon ng aktor tungkol sa naging buhay niya sa kalagitnaan ng [email protected] at ang pagbunyag niya sa mga kapwa artista na tumulong sa kanya sa oras ng pangangailangan.

Nang natapos ang kanyang limang taong “acting stint” sa teleseryeng “FPJ’s: Ang Probinsyano,” kadalasan na ngayong nakikita si Lester sa kalsada ng Metro Manila.

“Nagde-deliver ako ng mga pangangailangan ng mga tao. Isa ako ngayong Lalamove driver,” sabi ni Lester na talagang nagpagulat sa netizens.

Credit: @llansang_lester Instagram

Bibihira naman kasi para sa isang mahusay na aktor ang pagsabak sa isang mabigat na trabaho katulad na lamang ng isang “delivery rider” pero marami rin ang natuwa sa kasipagang ipinamalas ni Lester.

Sa loob ng 32 taon bilang isang aktor sa industriya ng showbiz, inamin ni Lester na napansin niya ang hindi magandang pagbabago ng iilang artista.

“Iyong pag-aartista, trabaho talaga ‘yun. Huwag natin ‘tong gamitin para mang-apak tayo ng ibang tao. Huwag natin gamitin ‘yung pangalan kung sikat tayo, kung malaki kinikita natin para mang-apak ng ibang tao,” advice ni Lester.

Ayon kay Lester, hindi umano ito ang sitwasyon pagdating kay Angel Locsin. Maliban sa pagkakakilanlan ni Angel bilang isang sikat at mahusay na aktres sa showbiz ay kilala rin siya ng karamihan dahil sa napakabuti niyang puso.

Credit: @llansang_lester Instagram

Dahil dito, labis na tinitingala ni Lester si Angel. Kuwento pa ng aktor, si Angel umano ang sumagot sa lahat ng bayarin sa hospital nang isinilang ng kanyang dating partner ang kanilang anak.

Pagbabalik-tanaw niya, “Si Gelocs kung tawagin ko siya. Si Angel Locsin. Kasi ‘yung time na… tumutugtog kasi ako sa bar niya dati eh. Lalabas iyong anak ko ‘dun, manganganak ‘yung misis ko dati tapos wala akong budget. As in, gipit. Nakaipit ‘yung budget. Si Angel ‘yung sumagot sa buong bayarin sa hospital. Tapos, Ninang pa siya.”

Ayon pa kay Lester, hindi umano siya siningil ng kahit ano ni Angel na siyang nagpahanga sa aktor.

Credit: @therealangellocsin Instagram

“Hindi ganun si Angel eh. Hindi siya ganun. Nakakatuwa,” sabi ni Lester kay Ogie.

Pagbabahagi pa ng aktor, inimbita pa siya ni Angel sa kasal nila ni Neil Arce na ginanap noong Agosto.

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan ang pagbibigay tulong ni Angel Locsin sa kapwa niya artista. Maliban dito, hinahangaan din siya ng karamihan dahil sa kanyang “charity works” na isang malaking tulong ngayong [email protected]