Dating aktres na si Donita Rose at boyfriend nito na si Felson Palad, ikinasal na sa California!

Ang aktres at TV host na si Donita Rose at ang singer boyfriend nitong si Felson Palad ay ikinasal na nito lamang sabado, September 24, 2022.

Credit: @dashofdonita Instagram

Sa kanyang social media account ay binahagi ni Donita ang pag-anunsyo nito sa kaniyang wedding na ginanap sa isang pribadong estate sa San Clemente, California. Makikita sa post ng dating aktres ang nag-gagandahang larawan ng couple sa bulubunduking tanawin at tanaw ang napaka-lawak na Pacific Ocean. Present din ang anak nitong si Joshua Paul sa kanyang kasal.

“Surely your goodness and unfailing love will follow me all the days of my life, and I will dwell in the house of the LORD forever,” caption nito sa post.

Pabirong pinost naman ni Felson ang isang wedding photo nila at nilagyan ng caption na “Finally. I’m no longer a virgin. It took 37 years.”

Credit: @dashofdonita Instagram

Isang professional Gospel singer at emcee ang asawa ni Donita na si Felson Palad. Meron na itong dalawang album na ni-release at active din ito sa Ministry Development of the Upper Room Presents sa Mission Viejo California.

April 2022 nang kumpirmahin ng aktres ang relasyon nito kay Felson Palad. Matapos ang isang buwan ay inanunsyo naman nila ang kanilang engagement.

Kaliwa’t kanan din ang pagbati sa bagong kasal na si Donita at Felson sa kanilang mga social media post. Ilan sa mga bumati sa kanila ay malalapit na kaibigan at kapwa artista ni Donita.

Credit: @dashofdonita Instagram

“Congratulations and best wishes,” ani Ana Roces.

“Omg yessss Congratulations ate D!” pagbati naman ni KC Concepcion.

“Maligayang bati sa inyong pagiisang dibdib! Nawa’y biyayaan kayo ng panginoon ng masaya at masaganang pagsasama kahit limang taon… este habangbuhay. hehe,” pabirong pagbati ni Janno Gibbs.

Hiwalay si Donita sa kanyang ex-husband na si Eric Villarama. Nagsama ang dalawa ng mahigit 13 years at nagkaroon sila ng anak, ito ay si Joshua Paul.

Credit: @dashofdonita Instagram

Lumipat ang aktres kasama ang anak nitong si Joshua Paul sa United States taong 2021. Naging corporate chef ito sa Island Pacific, isang Filipino supermarket.