Mula sa pagiging dating MTV Asia VJ, artista, at TV host, isa na ngayong chef sa isang malaking supermarket chain sa Amerika si Donita Rose.
Credit: @dashofdonita Instagram
Masayang ibinahagi ni Donita sa lahat ang panibagong trabaho niya sa Amerika. Matatandaang noong nakaraang taon, sa kasagsagan ng krisis sa showbiz industry dahil sa p@ndemya ay nagdesisyon si Donita na bumalik sa Amerika. At sa kanyang pagbabalik nga sa Amerika ay nabigyan ng isang napakagandang oportunidad si Donita para ipakita ang kanyang talento sa pagluluto.
Sa kanyang Instagram account ay proud at masaya niyang ibinalita sa lahat na siya ang bagong-talaga na Corporate Research and Development Chef ng supermarket chain na Island Pacific. Ang Island Pacific ay isang kilalang Filipino supermarket chain sa Amerika kung saan pangunahing inihahain nila ay mga pagkaing Pinoy.
Credit: @dashofdonita Instagram
Aniya, “It’s official! You are now looking @islandpacificmarket’s Corporate R&D Chef. Wait ‘til you see what we’ve been working on together with @gtongi & @maricelaguilar2010 to bring Philippine Cuisine to the next level.”
Sa panayam naman ni MJ Felipe kay Donita para sa TV Patrol ay ibinahagi niya ang mga pinaplano niyang proyekto bilang Corporate R&D chef ng nasabing supermarket chain.
Credit: @dashofdonita Instagram
Ani Donita, “Sabi ko I would like to somehow be connected to the Filipino community and sana I would be able to promote Filipino cuisine and bring it to the next level.”
Dagag niya, “Ang pinupush ko sa kanila is sana hindi lang Pinoy ang kakain sa mga restaurants na ‘to. One of my projects is ila-launch ko ulit ang Chip and Oink and also Halo-Halo…”
Credit: @dashofdonita Instagram
Nagsimula ang karera sa showbiz ni Donita Rose nang mapabilang siya sa sikat na TV show noong dekada 80 na That’s Entertainment. Mas lalo namang lumawak ang kanyang kasikatan nang magpunta siya sa Singapore para maging isang video jockey o VJ para sa MTV Asia.
Ipinakita naman ni Donita ang kanyang talento ng maging host siya sa Kapuso variety talk show na
“Basta Every Day, Happy” kung saan ay naging co-hosts niya sina Gladys Reyes, Alessandra De Rossi at Chef Boy Logro.