Dating aktres na si G Tongi, matagumpay na nagtapos sa kanyang master’s degree sa Amerika!

Dumagdag sa listahan ng mga artista na nakapagtapos ng kanilang master’s degree sa ibang bansa ang mahusay na aktres na si G Tongi o Giselle Tongi sa tunay na buhay.

Credit: @gtongi Instagram

Noon lamang June 28 ay nagtapos sa kanyang master’s degree program na Nonprofit Management sa Antioch University sa Los Angeles, California si Giselle.

Proud na ibinahagi ni Giselle sa kanyang Instagram account ang panibagong academic achievement niya sa buhay.

Credit: @gtongi Instagram

Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni Giselle ang kanyang graduation pictures at isang video na nagpapakita ng virtual graduation ceremony ng kanilang paaralan.

Inamin naman ni Giselle sa caption ng kanyang post na hindi inaasahan at malaking hamon para sa kanya ang pag-aaral sa graduate school ngayon panahon ng p@ndemya. Gayunman ay masaya si Giselle dahil napagtagumpayan niyang matapos ang kanyang kurso sa kabila umano ng kasalukuyang sitwasyon natin.

Credit: @gtongi Instagram

Ani Giselle, “Graduate school in a p@ndemic was certainly unexpected and challenging but somehow here we are…we made it to the finish line!”

Binati rin ni Giselle sa kanyang post ang mga kapwa niya nagtapos. Ayon pa kay Giselle, proud siya na maging kabilang sa mga nakapagtapos ngayong taon.

Credit: @gtongi Instagram

“Congrats to all the @antiochuniversityla graduates on our accomplishment! Am proud to be amongst you all!” saad ni Giselle.

At sa kanyang pagtatapos, hindi nakalimutan ni Giselle na pasalamatan ang kanyang pamilya dahil sa pagmamahal at suportang ibinigay nito sa kanya.

Ani Giselle, “Salamat ( Thank You) to my family for all your love & support! #classof2021 #gradschool #certifiednonprofitprofessional swipe left to see how our virtual commencement went down.”

Credit: @gtongi Instagram

Samantala, positibo at tila handa na si Giselle sa mga susunod na hamon sa kanyang buhay ngayon na nadagdagan na naman ang mga achievement na natamo niya.

Ani Giselle, “Looking towards the horizon as I add this humbling milestone under my belt.”

Matatandaang noong June 2011 ay nagtapos sa kanyang communication studies si Giselle sa sikat na University of California (UCLA) sa Los Angeles pa rin kung saan siya at ang kanyang pamilya nakabase.

Credit: @gtongi Instagram

Pagkatapos permanenteng manirahan sa Amerika ay iniwan na ni Giselle ang kanyang acting career sa Pilipinas. Matatandaang ang naging huling proyekto niya ay ang pelikulang “First Love” kung saan tampok ang tambalang Aga Muhlach at Bea Alonzo.

Maliban naman sa pag-aaral, tumatayong marketing director ng kilalang Filipino supermarket chain sa Amerika na Island Pacific si Giselle.

Siya rin ay abala bilang isang asawa sa Amerikanong si Tim Walters kung saan ay mayroon silang dalawang anak na sina Sakura Anne Marie at Kenobi Benjamin.