Dating aktres na si Iwa Moto, nag-post ng unang family photo nila ni Pampi Lacson kasama ang kanilang bagong silang na anak na si CJ!

Larawan ng isang masayang pamilya ang makikita sa unang family photo nina Iwa Moto at Pampi Lacson kasama ang kanilang ikalawang anak na si baby Caleb Jiro.

Ibinahagi ni Iwa sa kanyang Instagram ang kauna-unahang family photo nila ng kanyang pamilya kasama ang bagong karagdagan sa kanilang pamilya, ang bagong silang na sanggol na si baby Caleb Jiro.

Credit: @iam_iwa Instagram

Makikita sa larawan na mahimbing at cute na natutulog si baby Caleb Jiro habang kalong-kalong siya ng kanyang kuya Thirdy.

Sa mga hindi nakakaalam, si Thirdy ay anak ni Pampi sa kanyang dating asawa na si TV actress Jodi Sta. Maria. At kahit hiwalay na sina Pampi at Jodi ay nananatili pa rin ang kanilang magandang pagkakaibigan.

Sa katunayan, sobrang close ni Thirdy sa kanyang Tita Iwa habang si Jodi at Iwa naman ay may magandang relasyon na pinupuri ng marami.

Credit: @iam_iwa Instagram

Mas lalo namang naging masaya ang pamilya nina Iwa at Pampi sa pagdating ni baby Caleb Jiro o tinatawag din nilang CJ.

Kitang-kita nga sa kanilang mga matatamis na ngiti ang galak dahil sa wakas, kasama na nila si baby CJ.

Si CJ ay isang buwang gulang pa lamang dahil ipinanganak siya noong January 21. Madalas naman siyang panggigilan ng mga netizen dahil sa kanyang ka-cutean at nakakagigil na mga pisngi.


Credit: @iam_iwa Instagram

Samantala, kapansin-pansin naman sa unang family photo ng pamilyang Lacson ang hindi maitagong kasiyahan ni Iwa.

Talagang masayang-masaya na ngayon ang dating sexy actress sa kanyang buhay bilang isang butihing ina at asawa.

Mula nang siya ay naging isang ina, maraming pagbabago na mapapansin kay Iwa. At ngayon na dalawa na ang kanyang anak, aminado si Iwa na nahihirapan siya.

Credit: @iam_iwa Instagram

Ani Iwa, “Every night I struggle. Sanay si mimi na may massage sya from me to help her sleep. Pero syempre ayaw patalo ni CJ liit. Sumasabay lagi sya. Gusto din ata ng belly massage.”

Credit: @iam_iwa Instagram

Dagdag niya, “sa mga panahon ngayon naisip ko na sana 4 ang kamay ko🤣 para kaya kong pag sabayin.”

Tulad ng ibang ina, tinitiis ni Iwa ang hirap na kaakibat ng pagiging isang ina.

Credit: @iam_iwa Instagram

Aniya, “Yes nahihirapan ako. Pero sa sobrang pagmamahal ko sa mga anak ko kaya kong tiisin lahat ng hirap. Ganon ata talaga ang mga nanay. So sa lahat ng mga nahihirapang nanay dyan!!! Saludo ako sainyo❤️ cheers tayong lahat!!!!”