Dating aktres na si Rica Peralejo, inamin na marami siyang ginawa noong artista pa siya na labis niyang pinagsisisihan

Tapat at matapang na sinagot ng dating aktres na si Rica Peralejo ang ilan sa mga pinakakontrobersyal na mga tanong tungkol sa kanyang buhay bilang isang artista at mga pagkakamaling nagawa niya noong siya ay nasa showbiz pa.

Credit: @ricaperalejo Instagram

Sa isang ‘unfiltered’ vlog episode, deretsahang sinagot ni Rica ang mga tanong ng kanyang mga tagahanga tungkol sa kanyang buhay pag-ibig, lifestyle noong bata pa siya at tungkol sa kanyang buhay bilang artista.

Credit: @ricaperalejo Instagram

Ikwenento ni Rica na nagsimula siya sa showbiz sa edad na 12. Kung si Rica ang tatanungin, hindi umano niya plano na maging isang aktres. Kaya lamang umano siya pumasok sa showbiz industry ay dahil gusto niyang kumanta.

Credit: @ricaperalejo Instagram

Pag-amin ni Rica, “Actually, it wasn’t a plan because I never wanted to be a public figure. I only wanted to sing. That’s all.”

Hanggang nadiskubre nga siya at pinag-audition para sa “Ang TV” kung saan nagsimula ang kanyang acting career.

Credit: @ricaperalejo Instagram

Nagpakatotoo naman si Rica nang sagutin niya ang tanong ng isang netizen tungkol sa kung ano ang nagtulak sa kanya na maging isang s3xy star.

Matatandaan na may ilang proyekto si Rica sa telebisyon kung saan ay gumanap siya bilang isang s3xy star.

Ayon kay Rica, maraming tao ang nagpapayo sa kanya noon na baguhin ang kanyang imahen para umano ay magtagal siya sa industriya ng showbiz.

Ani Rica, “Like many things in my life I really don’t make decisions. I was already a few years old in the business and they were telling me to ‘You needed to change your image for you to be able to survive’. One way, that they saw this happening was if I took on more mature roles.”

Credit: @ricaperalejo Instagram

Dagdag niya, “That means that I really bared some parts of my body and did some really horrifying, not-so-proud-of things on screen just so we could give something to our producers for a movie.”

Credit: @ricaperalejo Instagram

Nang tanungin kung may panghihinayang siya, sabi ni Rica, “Iyong pagsisi ko lang din na parang what I did caused other people to sin, or at least aggravated it, contributed to the def!ling of who they are. That’s of course, heavy on me.”

Credit: @ricaperalejo Instagram

Nagsimula nang maaga sa showbiz at ngayon na siya ay mag 40 years old na, inamin ni Rica na kaya lamang siya tumagal sa pagiging artista ay dahil sa pera.

Aniya, “Truth be told, it’s really just the money. I didn’t like it. Plus the fact that I supported my family for the most part. And so it felt like if I said no or if I quit hindi ko na sila kayang suportahan.”

Credit: @ricaperalejo Instagram

Sa ngayon, isang vlogger-writer na si Rica. Isang maybahay din si Rica sa kanyang mister na si Christian Pastor Joseph Bonifacio at ina sa kanilang dalawang anak.