Isinilang na ng dating s3xy actress na si Ynez Veneracion ang kanyang pangalawang anak. Noong August 3, masayang winelcome ni Ynez at ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Julius Recto ang isang malusog na baby girl.
Credit: @ynez_veneracion888 Instagram
Ipinanganak ni Ynez ang kanyang pangalawang anak sa edad na 40 sa pamamagitan ng ces@rean section sa St. Lukes Medical Center.
At sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Ynez ang ilang larawan ng kanilang panibagong bundle of joy na pinangalanan nilang Jianna Kyler.
Credit: @ynez_veneracion888 Instagram
“A sweet beautiful angel has finally arrived. Welcome to the world my little one,” sulat ni Ynez sa caption ng kanyang post.
Matatandaang noong June 2021 lamang ibinahagi ni Ynez sa publiko ang kanyang pagbubuntis sa unang anak nila ng kanyang nobyo kasabay ng pagbabahagi niya ng kanyang maternity photos.
Credit: @ynez_veneracion888 Instagram
Sumsabak si Ynez sa kanyang kauna-unahang maternity photosho0t kung saan isa sa kanyang mga outfit ay hango mula sa Filipino comics superheroine na “Darna”.
Sa kanyang Instagram post ay masaya ring inihayag ni Ynez ang kanyang excitement sa nalalapit na pagdating ng kanyang pangalawang anak.
View this post on Instagram
“My very first maternity photo sho0t. I really can’t wait to meet our new addition to the fam in just 4 weeks!” pahayag ni Ynez sa kanyang post.
Credit: @ynez_veneracion888 Instagram
Mas bata kay Ynez ng 13 taong gulang ang kanyang nobyo na si Julius at ayon sa mga panayam sa kanya ay dalawang taon na silang magkasintahan.
Ayon kay Ynez, tuwang-tuwa ang kanyang panganay na anak nang malaman nito ang kanyang pagbubuntis.
Credit: @ynez_veneracion888 Instagram
Lingid sa kaalaman ng lahat, si Princess Keilah ay anak ni Ynez sa kanyang dating partner na si dating Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu.
Samantala, ang mga aktres na sina Sylvia Sanchez, Sunshine Cruz at Aiko Melendez ay kabilang sa mga nagpaabot ng pagbati para kay Ynez.
Credit: @ynez_veneracion888 Instagram
“Congratulations dear!!! ❤️❤️❤️”
“So beautiful sis! So happy for you! ❤️❤️❤️”
Credit: @ynez_veneracion888 Instagram
“Congrats meme….ang cute ng baby mo❤❤❤”
“Pinaka magandang nanganak na nakita ko😍 Ganda ni Baby”