Dating batang aktres na si Serena Dalrymple, ikinasal na sa kanyang long time boyfriend!

Sino nga ba ang makakalimot sa dating batang aktres na si Serena Dalrymple? Simula nang pinasok pag-aartista sa napakamurang edad, madalas talagang natutunghayan ng mga manonood ang kanyang husay at galing sa pag-arte dahil palagi lang naman niyang nilalagpasan ang expectations ng karamihan sa pagganap niya sa kanyang bawat role. Dahil sa kanyang impressive na talento sa pag-arte, marami talaga ang patuloy na sumusubaybay sa kanya kahit na’y maraming taon na ang nakalipas matapos niyang iwan ang buhay sa showbiz.

Credit: @sdalrymple Instagram

Sa murang edad, kilala na ang batang si Serena Dalrymple bilang isa sa mga sikat at matagumpay na batang aktres sa kanyang generation kaya ganoon na lamang ang gulat ng karamihan nang nabalitaan ang kanyang desisyon na lilisanin na niya ang mundo ng showbiz upang magkaroon ng simple at bagong buhay sa ibang bansa kasama ang kanyang pamilya. Bagama’t maraming taon naman ang nakalipas, patuloy pa rin na nakatutok ang kanyang fans sa bawat update ng buhay ni Serena.

Taliwas sa kanyang dating buhay bilang isang celebrity dito sa Pinas, simple lamang ang life na meron si Serena ngayon sa US sa piling ng kanyang partner na si Thomas Bredillet.

Credit: @sdalrymple Instagram

Matatandaan nito lamang nakaraang taon ang pag-viral ng balitang engaged na si Serena sa kanyang French-American na boyfriend matapos ang apat na taon nilang pagsasama at nito lamang Huwebes ay nangyari na ang pinakahinihintay ng couple at ito ay ang kanilang pag-iisang dibdib.

Sa post ni Serena sa kanyang Instagram account, makikita sa mga larawang ibinahagi ng dating aktres ang iilan sa heartfelt at nakakakilig na moments sa kanilang kasal kasama ang kanilang pamilya at iilan sa kanilang malalapit na mga kaibigan.

Credit: @sdalrymple Instagram

“Hello, I’m Mrs. Bredillet ♥️,” sulat ni Serena sa kanyang caption.

Credit: @sdalrymple Instagram

Sa milestone na ito sa buhay ni Serena, marami talaga ang natuwa para sa dating aktres dahil kahit na’y wala na itong plano na bumalik pa sa Pinas upang ipagpatuloy ang iniwan niyang career sa showbiz, labis naman ang nararamdamang kaligayahan ng kanyang fans dahil sa pagkakaroon ng kanilang iniidolong celebrity ng masayang buhay kasama ang mahal nito sa buhay.