Dating beauty queen na si Rachel Peters, isinilang na ang baby girl nila ni Gov. Migz Villafuerte

Isa nang ganap na mommy si Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters matapos niyang isinilang kamakailan lamang ang unang anak nila ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte.

Credit: @migzvillafuerte Instagram

Masayang ibinalita ng proud daddy na si Gov. Migz sa kanyang Instagram account nitong October 13 lamang na nanganak na si Rachel.

At sa kanyang post, nagbahagi rin si Gov. Migz ng ilang larawan ng napakagandang baby girl nila ni Rachel. Subalit hindi niya ibinunyag sa kanyang post ang petsa kung kailan ipinanganak ni Rachel ang kanilang baby girl. Maging ang pangalan nito ay nanatiling misteryo muna para sa netizens.

Credit: @migzvillafuerte Instagram

Napaka-sweet naman ng caption ni Gov. Migz sa mga larawan ng kanilang panganay. Aniya, “I’m so in love with you. To God be all the glory.”

Binaha naman ng congratulatory messages ang comment section ng post ni Gov. Migz mula sa kanilang mga kaibigan sa showbiz at pageant world.

“OMG what a beautiful baby,” komento ng host na si Tim Yap.

Credit: @migzvillafuerte Instagram

Sabi naman ni Miss International 2013 Bea Santiago, “Congratulations Daddy Migz!!!”

Ilan pa sa mga bumati sa first-time parents ay sina Dani Barretto, Phoemela Baranda, Nadine Samonte at Andrew E.

Nagkomento rin ang ama ni Gov. Migz na si Camarines Sur 2nd District Representative LRay Villafuerte. Komento niya, “Thank you Lord for a beautiful baby girl. Such a blessing.”

Matatandaang noong nakaraang Mayo lamang masayang ini-reveal ni Rachel ang kanyang pagbubuntis sa unang anak nila ni Gov. Migz.

Credit: @migzvillafuerte Instagram

Sinabi noon ni Rachel sa kanyang post na isang “dream come true” ang pagdating ng kanilang munting anghel sa buhay nila ni Gov. Migz.

Kasunod ng kanyang pregnancy reveal ay nagpakasal naman sina Rachel at Gov. Migz sa isang intimate civil wedding ceremony na ginanap sa loob ng Supreme Court noong buwan ng Hulyo.

Samantala, bumuhos din ang pagbati mula sa netizens para kina Rachel at Gov. Migz. Komento nila:

“Congratulations boss and miss universe 2017 so adorable”

Credit: @rachelpetersx Instagram

“Cutie, congratus po Gov and Ms. Rachel”

“Congrats you guys! Beautiful baby”

“Congrats on your bundle of joy gov and ms rach”

“Wow congrats Gov. Migz & Ms. Rachel lovable & adorable baby girl.”