Dating child actress na gumanap na Duday sa sitcom na Daddy Di Do Du, isa na ngayong beauty queen!

Isa sa mga maningning na child actress noon si Isabelle de Leon o mas kinilala ng lahat bilang si Duday, isa sa mga anak ni ‘Bossing’ Vic Sotto sa GMA sitcom nitong “Daddy Di Do Du” na umere noong 2001 hanggang 2007.

Credit: @isabelledeleontv Instagram       

Anim na taong gulang pa lang noon si Isabelle nang pumasok siya sa pag-aartista. Unang ipinamalas ni Isabelle ang kanyang galing sa pag-arte sa GMA drama series na “Munting Anghel” taong 2000.

Credit: @isabelledeleontv Instagram

Taong 2003 naman nang mabigyan ng isang challenging role si Isabelle sa award-winning film ni derek Maryo J. de los Reyes na “Magnifico”. Pinabilib ni Isabelle ang lahat nang gumanap siya bilang si Helen, ang nakababatang kapatid ni Jiro Mañio na mayroong Cerebral Palsy.

Credit: @isabelledeleontv Instagram

Sa kanyang murang edad ay kamangha-mangha ang galing sa pag-arte ni Isabelle sa pelikula. Sa katunayan, ginawaran ng maraming parangal si Isabelle dahil sa ‘di matatawarang pagganap niya sa kanyang karakter sa pelikula.

Noong 2004, kinilala bilang “Best Child Actress” si Isabelle ng FAMAS, isang prestihiyosong award-giving body sa Pilipinas.

Credit: @isabelledeleontv Instagram

17 taon pagkatapos ng kanyang malaking break sa showbiz, nasaan na nga ba ngayon si Isabelle?

Sa edad na 26 ay isa na ngayong actress, singer-songwriter at pageant titleholder si Isabelle.

Unang inilabas ni Isabelle ang kanyang album na “Lovezone” taong 2013. Proud si Isabelle dahil siya mismo ang sumulat ng mga kanta sa album.

Credit: @isabelledeleontv Instagram

Ipinagpatuloy din ni Isabelle ang kanyang acting career. Nagpalipat-lipat sa iba’t ibang TV network si Isabelle.

Bumida si Isabelle sa mga TV series ng TV5 channel kagaya ng “Trenderas” (2014) at “Wattpad Presents” (2015).

Credit: @isabelledeleontv Instagram

2016 naman nang bumalik sa GMA si Isabelle. Ilan sa mga proyekto ni Isabelle sa Kapuso network ay “Magkabilang Mundo” (2016), “Super Ma’am” (2017), “My Guitar Princess” (2018) at “Dragon Lady” (2019).

Naging makulay din ang karera ni Isabelle nang sumali siya sa Miss World Philippines noong nakaraang taon kung saan ay nasungkit niya ang titulong Miss Multinational Philippines 2019. Nagsilbing inspirasyon si Isabelle sa lahat dahil sa determinasyon nitong pasukin ang mundo ng pageantry.

Credit: @isabelledeleontv Instagram

Nang tanungin si Isabelle kung bakit niya napagdesisyunang pumasok sa mundo ng pageantry ay narito ang kanyang sagot:

“I’ve always been active in certain advocacies and charities even before joining the pageant. This was a chance for me to grow as a woman. I believe what it stands for and that’s beauty with a purpose.”

Credit: @isabelledeleontv Instagram

Mensahe ni Isabelle sa lahat, “So I encourage everyone to not let your fears to become bigger than your dreams and always listen to that voice that whispers in your heart that says you’re fearfully and wonderfull made.”

Credit: @isabelledeleontv Instagram

Sa ngayon, base sa mga Instagram post ni Isabelle ay nag-enroll ito sa kursong BSBA Marketing Management sa Thames International/Entrepreneurs School of Asia.