Dating child actress na Serena Dalrymple, ibinahaging na sa online dating app nakilala ang fiance

Minsan talaga ay nakakamangha gumawa ng paraan ang tadhana upang ipagtagpo lamang ang landas mo at ng taong makakasama mo sa habang buhay. Maaaring nagkakilala kayo sa isang coffee shop o nakabanggaan mo habang naghahanap ka ng libro sa library. Maaari rin na kaklase mo pala noong hayskul, isang kaibigan o hindi kaya’y isang stranger na na-meet mo lamang online.

Credit: @sdalrymple Instagram

Tunay nga na nakakabilib kapag ang mismong destiny na ang gumagawa ng paraan kaya naman ganoon na lamang ang gulat ng dating child star na si Serena Dalrymple nang una niyang nakilala ang kanyang fiance sa pamamagitan ng random niyang pagswa-swipe sa isang dating app!

Simula nang nilisan ni Serena Dalyrmple ang lokal na industriya ng showbiz, marami ang nalungkot lalo na ang kanyang fans dahil hindi na siya matutunghayan at makikita pa ulit sa telebisyon na umaarte ngunit para kay Serena, isa itong malaking step patungo sa kanyang pinapangarap na kinabukasan para sa sarili.

Matapos iwan ang kanyang career bilang isang batang aktres dito sa Pilipinas, marami ang nawalan ng balita sa kanya kaya nang nalaman ng karamihan ang buhay ngayon ni Serena sa US, marami ang nagulat sa malaking ipinagbago niya.

Credit: @sdalrymple Instagram

31 taong gulang na ngayon si Serena at engaged na rin sa kanyang French boyfriend na si Thomas Bredillet. Ayon kay Serena, apat na taon na silang nagsasama ni Bredillet at Hulyo nga noong nakaraang taon nang nag-propose ito. Sa ngayon, pinaghahandaan na ng couple ang nalalapit nilang kasal na ayon sa dating batang aktres ay mangyayari ngayong taon.

Credit: @sdalrymple Instagram

Sa pinakabago niyang post sa Instagram, ibinahagi ni Serena na una silang nagkakilala ng fiance sa isang dating app na Bumble hanggang napagdesisyunan nga nilang personal na magkita at nag-date. At dahil hindi inaasahan ng dating batang aktres na ang lalaking nakilala niya sa Bumb|e ay siya palang makakasama niya forever, hindi niya napigilan na magbalik-tanaw sa kanilang unang date.

“4 years ago today, I went out on a date to meet this French dude I matched on bumb|e. Who knew that I’ll end up marrying this handsome smart sweet (now) American dude this year? ❤️,” pagkukuwento ni Serena kalakip ng ibinahagi niyang larawan nila ng fiance kung saan ay makikitang sobrang sweet nila sa isa’t-isa.

Credit: @sdalrymple Instagram

Wala talagang nakakaalam kung sino ang taong nakalaan para sa’tin. Minsan, nakikilala pa natin sila sa hindi inaasahang paraan.