Dating child actress na si Celine Lim, ibinahagi ang kanyang nakaka-inspire na love story

Halos hindi makapaniwala ang netizens nang nalaman ang buhay ngayon ng dating batang aktres na si Celine Lim.

Credit: @imcelinelim Instagram

Hindi pa rin nagbabago ang mala-anghel na kagandahan ni Celine Lim. Mula pa man noong napapanood at nasasaksihan ang dating batang aktres sa telebisyon, marami na ang humahanga sa kahusayan ni Celine pagdating sa pag-arte.

Una siyang nadiskubre sa “Star Circle Quest” noong taong 2004 hanggang sa nakatanggap ng malalaking proyekto sa “Maalaala Mo Kaya” at “Ipaglaban Mo” kung saan ay ibinida ni Celine ang kanyang pagka-natural sa larangan ng pag-arte.

Credit: @imcelinelim Instagram

Maliban sa pagiging aktres, itinuon din ni Celine ang kanyang atensyon sa pag-aaral. Taong 2019 nang naka-graduate siya sa kursong Food Technology sa University of Santo Tomas.

Sa mabilis na paglipas ng panahon at ngayon ay 22 taong gulang na, masaya sa kanyang buhay ngayon si Celine at napaka-healthy pa ng kanyang lovelife!

Credit: @imcelinelim Instagram

Sa Instagram, magkakasunod na nagbahagi ng mga larawan ang dating batang aktres kung saan ay makikitang kasama niya ang kanyang boyfriend sa anim na taon na si Juan Marco Cuison.

Sa ginawang photoshoots ng couple, inulit nila ang “memorable” nilang karanasan noong kolehiyo. Sa caption, ibinahagi rin ni Celine ang kanilang nakaka-inspire na love story na nagsimula noong sila’y mga estudyante pa lamang.

“For the last entry, Acong and I remade a scene that happened 6 years ago in USTe. Dito ko talaga siya nakilala, pero yamot na yamot talaga ako sa kanya dahil dito,” pahayag ni Celine sa unang bahagi ng kanyang kuwento.

Credit: @imcelinelim Instagram

Pagpapatuloy ni Celine sa kanyang kuwento, “Pinag-monekey bars kami sa harap ng Beato, natapat ako doon sa left side na mas mataas, tapos nabitin yata ako sa buwelo. Dahil Brads nga, binuhat nila ako para matapos, pero umangat t-shirt ko at sando. Nataranta ako lalo tapos sabi ko “bitiwan niyo ako!” ABA! Pagkurap ko nasa lapag na ako kasi binitiwan talaga ako ni Acong!”

Hindi man masyadong maganda ang unang pagkikita, doon naman daw nagsimula ang kanilang “friendship” hanggang sa nahulog ang kanilang loob sa isa’t-isa.

“I’m really glad lang it turned out this way although ‘di ko talaga ine-expect. Kasi sa 6 years na ‘yun kung saan-saan kami napunta at marami ring nangyari,” sabi ni Celine.

Credit: @imcelinelim Instagram

Dagdag pa ng dalaga, “I’m truly grateful for this love that is pure, genuine, and sincere. Napakasarap matulog na masaya’t payapa, lahat sigurado.”

Napa-“sana all” naman ang netizens sa napakagandang love story ni Celine at Juan Marco.

Noo’y nakikita lamang sa telebisyon habang umaarte, ngayon ay isa ng inspirasyon si Celine sa mga kaibigan at taong nais makahanap ng wagas at tunay na pagmamahal.