Isa si Serena Dalrymple sa mga sikat at mahuhusay na child actress sa mundo ng showbiz noong late 1990’s hanggang 2000’s. Sa napakamurang edad ay nagawa niyang bumuo ng sariling pangalan sa showbiz dahil sa kahusayan niya sa pag-arte kung kaya’t ganoon na lamang karami ang taong humahanga sa kanya.
Credit: @sdalrymple Instagram
Isa sa mga pelikulang pinagbidahan ni Serena ay “Bata Bata Paano Ka Ginawa” kung saan ay nakasama niya si Vilma Santos, Albert Martinez, at kapwa child actor noon na si Carlo Aquino. Bumida rin ang batang Serena sa iilang comedy movies kasama sina Babalu, Dolphy, at Redford White na siyang mga batikang komedyante noong kanilang kapanahunan.
Credit: @sdalrymple Instagram
Taong 2004 nang napagdesisyunan ni Serena na tuluyang iwan ang showbiz para manirahan sa ibang bansa. Sa kasalukuyan ay masayang naninirahan ang dating batang aktres sa New York kasama ang pamilya.
Credit: @sdalrymple Instagram
Nilisan man ang industriya na kanyang kinalakihan ay naging masaya naman si Serena. Wala man sa showbiz ay patuloy pa rin ang pagsubaybay ng iilan sa kanyang buhay sa pamamagitan ng pagiging updated nila sa mga larawang ibinabahagi ni Serena sa kanyang social media account.
Credit: @sdalrymple Instagram
Sa bagong post ni Serena sa kanyang Instagram account ay maraming netizen ang kinilig. Sa larawang kanyang ibinahagi ay makikita ang matamis at puno ng pagmamahal na pagh@lik ni Serena at ng kanyang longtime boyfriend na si Thomas Bredillet sa isang beach sa Chatham, Massachusetts.
View this post on Instagram
“Happy anniversary! I love you forever ❤,” pahayag ni Serena bilang caption.
Napansin rin ng netizens ang nakataas na kamay ni Serena sa litrato kung saan ay makikitang nakasuot ito ng singsing na siyang pinaghihinalaan ng karamihan na engagement ring nila ng boyfriend na si Thomas.
Credit: @sdalrymple Instagram
Sa mismong post ay inulan ng pagbati si Serena galing sa netizens at may mga celebrities din na nagpaabot ng kanilang pagbati sa milestone ng dating batang aktres.
“Congratulations baby girl!!!❤️❤️❤️,” pagbati ni Camille Prats.
“Congratulations!!!” Sabi naman ni Pauleen Luna Sotto.
Credit: @sdalrymple Instagram
Napili man na lisanin ang industriya ng showbiz ay hindi naman ito pinagsisihan ni Serena dahil masaya naman siya sa naging buhay sa ibang bansa kasama ang pamilya at ang boyfriend. Hindi naman nakikita sa telebisyon at umaarte ay malaki naman ang iniwang marka ni Serena sa mundo ng showbiz na forever na titingalahin ng karamihan.
Talaga namang pinatunayan ni Serena na hindi sukatan ang kasikatan ng isang tao upang matamasa ang tunay na kaligayan.