Dating comedian at impersonator na si Ate Glow, dumaan sa bonggang transformation at may asawa na ngayon

Naalala n’yo pa ba si Ate Glow, ang komedyante at impersonator ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noon?

Credit: Renee Hampshire Instagram

Masaya na siya ngayon sa piling ng kanyang napangasawang Briton. Ginulat din ni Ate Glow ang lahat sa naging transformation nito.

Credit: Renee Hampshire Instagram

Nagsimula ang lahat nang makilala ni Renee o mas kilalang Ate Glow ang kanyang napangasawang Briton. Ayon sa mga balita ay nakilala ni Ate Glow ang nobyo nang bumisita ito sa kanyang kaibigan sa London.

Credit: Renee Hampshire Instagram

Taong 2016 nga ay nagpakasal na sila ng nobyo sa Chelsea Town Hall sa London. Bongga na maituturing ang kasal ni Ate Glow dahil dito rin ikinasal sina George Clooney at Amal Alamuddin.
Simula nang makasal ay kilala na ngayon si Ate Glow bilang si Renee Hampshire!

Credit: Renee Hampshire Facebook

Sa mga larawan nito na lumabas sa social media ay bonggang transformation talaga ang nangyari kay Ate Glow. Malayong-malayo na ito sa dating imahe. Mula sa dating funny image ay isa na itong sexy at mature woman.

Credit: Renee Hampshire Instagram

Samantala, ipinagmamalaki naman ni Renee na isa siyang straight transgender woman.

Aniya sa artikulong inilathala ng ABS-CBN News, “I am straight transgender woman. Kasi my partner is a guy and he sees me as a woman.”

Credit: Renee Hampshire Instagram

Bago maikasal si Ate Glow sa nobyo, ay nagkaroon din ito ng dalawa pang karelasyon, isang Pilipino at isang Irish national.

Matatandaang, unang nakilala si Ate Glow ng lahat nang naging parte siya ng 2003 Live A!ds, UP SAMASKOM kung saan ay ginaya niya si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Credit: Renee Hampshire Instagram

Nag-aral at isang alumna si Ate Glow sa University of the Philippines Diliman. Hindi pangkaraniwang estudyante si Ate Glow dahil pagdating sa kaniyang pag-aaral ay top student ito. Aktibo rin siya sa iba’t ibang event sa kanilang eskwelahan.

Credit: Renee Hampshire Instagram

Pagkatapos ng ginawa niyang panggagaya ay naging parte ng administrayong Arroyo si Ate Glow kung saan ay ginawa siyang ambassador sa isang programa nito.

Credit: Renee Hampshire Instagram

Nagsimulang mawala ang kasikatan ni Ate Glow nang natapos ang administrasyon ni Gloria.

Credit: Renee Hampshire Instagram

Taong 2015 naman nang huling nasilayan si Ate Glow sa telebisyon nang ma-feature siya sa Kapuso program na ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’.