Dating dancer sa show ni Kuya Wil na si Lovely Abella, isa na ngayong bigating negosyante!

Masaya at matagumpay. Ito ang mga salitang lumalarawan sa buhay ngayon ni Lovely Abella, ang dating dancer sa show ng sikat at beteranong host na si Willie Revillame.

Credit: @lovelyabella_ Instagram

Simula nang pinasok ni Lovely Abella ang industriya ng showbiz, talagang nagtuloy-tuloy na ang blessings na dumadating sa kanyang buhay. Nagsimula man bilang isang dancer sa show ni Kuya Wil, hindi naman nagtagal nang nadiskubre ang kanyang kahusayan sa pag-arte at pagbibigay ng katatawanan at ngayon nga ay kilala bilang isa sa mga sikat na comedienne sa GMA Network. Talagang napakalayo na ng narating ni Lovely!

Dahil sa kanyang talento at kakayahan, talagang maraming opportunities ang dumadating kay Lovely kung saan ay masuwerte niyang nakasama ang iilang bigating artista katulad na lamang nina Alden Richards, Kathryn Bernardo at iilang cast sa box office na pelikulang “Hello, Love, Goodbye” kung saan ay ginampanan niya ang karakter ni Gina Marikit. Naging parte rin si Lovely sa “Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies” at “Imagine You and Me”.

Credit: @lovelyabella_ Instagram

Of course, hindi naman permanente ang kasikatang tinatamasa ng celebrities kaya maliban sa pag-aartista at pagiging comedienne, sumabak din si Lovely sa pagnenegosyo kasama ang kanyang asawa na si Benj Manalo, ang anak ng sikat na komedyanteng si Jose Manalo.

Credit: @lovelyabella_ Instagram

Kung noo’y sarili at ang kanyang talento bilang isang aktres at komedyante lamang ang puhunan ni Lovely, ngayon ay may sarili na siyang brand ng kape at cosmetic. Kasalukuyan din ngayong lumalago ang pagbebenta niya ng branded na bags at mga alahas kaya talagang masasabing isang successful na negosyante si Lovely.

Maliban sa kanyang husay at galing sa pagpapatawa at pag-arte, napakahusay din pala ni Lovely sa pagma-manage ng business dahil ang noo’y maliit at iisang negosyo ay mas lumaki at dumami pa kaya naman hindi niya napigilang ipahayag ang kanyang saloobin tungkol dito.

Credit: @lovelyabella_ Instagram

Sa kanyang post sa Instagram kumakailan lamang, ibinahagi ni Lovely sa kanyang followers at fans ang nararamdaman niyang kasiyahan dahil sobrang matagumpay umano ng kanilang mga negosyo.

“Humble beginnings nagsimula sa 1,naging 2, naging 3 hanggang sa dumami na,” pahayag ni Lovely kalakip ng ibinahagi niyang larawan ng kanilang mga tauhan habang abala sa pagpa-pack ng napakaraming orders galing sa kanilang customers.

Nagsimula man sa pinakailalim hanggang unti-unting umangat at sumikat sa showbiz, nagawa rin ni Lovely na makabuo ng sariling pangalan sa larangan ng business ngayon.