Dating Goin’ Bulilit actress na si Trina “Hopia” Legaspi, pinakasalan na ang kanyang boyfriend for 6 years!

Nagmistulang isang bulaklak na namumukadkad sa kagandahan ang dating “Goin’ Bulilit” star na si Trina Legaspi o mas nakilala ng marami bilang “Hopia” sa araw ng pag-iisang dibdib nila ng kanyang longtime non-showbiz boyfriend na si Ryan Jarina.

Credit: @trinalegaspi Instagram

Tuluyan nang nagpaalam sa kanyang pagiging single woman si Trina matapos silang magpalitan ni Ryan ng kanilang “I do’s” nito lamang November 20, halos isang taon matapos silang ma-engage.

Napaka-blooming at eleganteng tingnan si Trina habang naglalakad sa aisle batay sa ilang larawan na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account. Ang agaw-atensyon na strapless wedding gown ni Trina ay gawa naman ng sikat na designer na si Patricia Santos.

Madamdaming caption pa ni Trina sa kanyang post, “My Fairytale Wedding! Marrying the man I’ve prayed for @ryan_jarina!”

Credit: @trinalegaspi Instagram

Ginanap ang napakagandang church wedding ng dalawa sa Holy Trinity Church kung saan dinaluhan ito ng kanilang malalapit na pamilya at mga kaibigan.

Present sa mala-fairytale na kasalan nina Trina at Ryan ang ilang kilalang pangalan sa industriya ng showbiz tulad nina Michelle Vito at Liza Soberano na kabilang din sa mga bridesmaid ni Trina. Dumalo rin sa kasalan ang mga aktor na sina Enzo Pineda at ang mga kasamahan ni Trina noon sa Goin’ Bulilit na sina John Manalo, CJ Navato, Igi Boy Flores at Angeli Gonzales.

Credit: @trinalegaspi Instagram

Sa isang hiwalay na post, nagpasalamat naman si Trina dahil aniya, natupad ang pinapangarap nilang kasal ni Ryan na inilarawan naman niya bilang, “Ethereal. Fairytale. Romantic.”

Matapos silang magpalitan ng kanilang vows sa simbahan, ginanap naman ang wedding reception ng longtime couple sa luxury hotel na Conrad Manila.

Samantala, bumaha ng congratulatory messages sa social media para sa bagong kasal mula sa netizens. Komento nila:

Credit: @trinalegaspi Instagram

“Time flew by so fast. parang kailan lang nasa going bulilit siya nu’n, ngayon bride na. Congratulations to both of you..God bless you both.”

“Congrats hopia and ryan!”

“Ang ganda! Congratulations!”

“Congratulations and best wishes All the best”

Credit: @trinalegaspi Instagram

Matatandaan na na-engage ang celebrity couple November 22 noong nakaraang taon pagkatapos ng anim na taon nilang pagiging magkasintahan.