Dating Goin’ Bulilit at Hashtags member Bugoy Cariño, ipinakilala na sa publiko ang anak nila ng girlfriend niya na si volleyball star EJ Laure

Sa kauna-unahang pagkakataon ay isinapubliko nang magkasintahan na sina volleyball star EJ Laure at dating Goin’ Bulilit at Hashtags member Bugoy Cariño ang kanilang anak na si Scarlet Cariño.

Credit: Bugoy Cariño Instagram

Itinanggi man nina EJ at Bugoy ang isyung pagbubuntis noon ni EJ, ay tuluyang na ngang nabigyang-linaw ang isyu dahil sa larawang ibinahagi ni Bugoy sa kanyang Instagram kung saan makikitang ang kanilang anak.

Credit: Bugoy Cariño Instagram

Kasabay ng pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan, ipinakita na nila EJ at Bugoy ang bunga ng kanilang pagmamahalan.

Sa Instagram post ni Bugoy ay sinabi nitong masaya siya sa kanyang pamilya ngayon. Aniya, “HAPPY BIRTHDAY TO ME! Happy to have a family na mahal na mahal ako. Pagsisikapan ko pong itaguyod ang blessing na ito.”

Credit: bugoy.ejlaure Instagram

Dagdag pa niya, “Thank you for your unending support and I love you both, Mommy EJ and Baby Scarlet!!”

Sa Instagram naman ni EJ ay ibinahagi nito ang isang video kung saan naglalaman ito ng ilang larawan mula noong ipinanganak si Scarlet hanggang sa kaarawan ni Bugoy.

 

View this post on Instagram

 

Repost ••••• @ennajielaure✨

A post shared by Bugoy Cariño x EJ Laure Update (@bugoy.ejlaure) on

Caption ng post ni EJ, “Happy Birthday, Mahal thank you sa lahat ng ginawa at ginagawa mo para sa amin ni baby @iamscarletcariño! We love you so much, daddy!”

Credit: bugoy.ejlaure Instagram

Matatandaang taong 2018 nang umugong ang balitang nabuntis ni Bugoy si EJ na limang taon ang tanda sa kanya.

Credit: bugoy.ejlaure Instagram

Mariing naman itong itinanggi ng dalawa. Sa isang Facebook post ay sinabi ni EJ na, “Ewan ko ba kasi talaga sa trip nyo basta ako I’ve been enjoying my life and resting my shoulder for S18 been living nice and simple then makakabasa ako ng kung ano ano? just to end everything “wala akong control sa isip nyo kasi may kanya kanya tayo” gobless nalan.”

Credit: bugoy.ejlaure Instagram

Dagdag pa ni EJ noon, “Ps: december buntis daw ako tapos january buntis din ako tas march buntis nanaman? jusko 3months nakong naging buntis so triplets pala to?”

Noong mga panahon ding ‘yon ay umalis si Bugoy sa Kapamilya noontime show na “It’s Showtime” bilang member ng ‘Hashstags’.

Credit: bugoy.ejlaure Instagram

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Scarlet Cariño (@iamscarletcarino) on

Maraming netizen naman ang nagulat at masaya sa rebelasyong ito nina EJ at Bugoy. Komento ng netizens:

“OMGGGGG FOR REAL? HAPPY BIRTHDAY”

“I’m happy for u. Happy Birthday missyou @iambugoycarino03”

Credit: bugoy.ejlaure Instagram

“HAPPY BIRTHDAY MY CHILDHOOD UNTIL NOW CRUSH, I am grateful that you’re happy. Godbless you and your family.”

Samantala, pinagkakaabalahan naman ngayon nila Bugoy at EJ ang paggawa ng YouTube vlogs para sa kanilang channel na ‘BUGZ & EJ VLOG’.