Maraming Pinoy, bata man o matanda, ang pinahalakhak ng kiddie comedy show na Goin’ Bulilit. Binubuo ng makukulit at bibong child actors, pinasaya ng palabas ang maraming Pinoy dahil sa kanilang mga kwelang eksena at sobrang nakakatawang jokes.
Credit: @timocine_ Instagram
Sa loob ng 14 taon ay isa ang Goin’ Bulilit sa mga inaabangang programa ng maraming Pinoy tuwing Linggo ng gabi. Matatandaang unang naghatid ng kasiyahan at katatawanan ang kiddie comedy show taong 2005. Agosto taong 2019 naman nang nagtapos ito.
Sa mahabang panahon na umere ang programa sa telebisyon ay naging parte na nga ito ng buhay ng bawat kabataang Pinoy.
Samantala, naging daan naman ang programa para sa mga batang artista na sumikat at mabigyan ng malaking break sa showbiz.
Credit: @timothychan_ Instagram
Kabilang nga sa mga child actor na nadiskubre ng marami sa pamamagitan ng Goin’ Bulilit ay si Timothy Lambert Chan.
Bukod sa programa, nakilala ng marami si Timothy sa teleseryeng “May Bukas Pa” kung saan ay ipinamalas niya ang kanyang husay sa pag-arte, kasabayan ang isa pang child actor na gumaganap na ‘Santino’ na si Zaijan Jaranilla.
At kahit lumipas man ang maraming taon, hindi nakalimutan ng marami si Timothy. Sa katunayan, kumakalat ngayon ang mga letrato ni Timothy kung saan ay kapansin-pansin ang malaking pagbabago sa kanyang hitsura.
Credit: @timothychan_ Instagram
Kung noon marami ang natutuwa kay Timothy dahil sa kanyang cute na cute na hitsura at pagiging bibo, ngayon naman marami ang humahanga sa kanyang taglay na kagwapuhan!
Makikita sa mga letrato na ipinost ni Timothy sa kanyang Instagram account ang malaking transformation sa kanyang imahen at istilo ng pananamit! Sa kanyang mga letrato, kitang-kita na isa nang ganap na binata ang dating makulit at cute na child star.
Maraming netizens naman ang nagkomentong lumaking napakagwapo at charming si Timothy. Sa kanyang matamis na ngiti at chinitong mata, talagang maraming babae ang kinikilig sa kanya ngayon. Komento ng ilang netizens:
Credit: @timothychan_ Instagram
“binata na! nice seeing you again Timothy!”
“our baby boy has grown up na talagaaa”
“Gwapo mo na ngayon”
Credit: @timothychan_ Instagram
“Ang pogi ng kaaway ni santino dati”
“Ang cute mo pa din at gwapo #GoinBulilit”
Patunay lamang ang taglay na kasikatan ngayon ni Timothy na kahit wala na siya sa showbiz, marami pa rin ang nakakaalala kung gaano siya kahusay bilang isang aktor noon.
Credit: @timothychan_ Instagram
At kung ang kanyang fans ang tatanungin, hiling nila na mapanood ulit ang hinahangaan nilang child actor noon sa telebisyon.