Dating Goin’ Bulilit child star na si Katrina “Hopia” Legaspi, pinawow ang mga netizen sa kanyang dreamy prenup photos!

Labing-apat na taon din na pinatawa at pinasaya ng Kapamilya kiddie sketch comedy show na Goin’ Bulilit ang mga Pinoy bago ito natapos noong August 2019.

Credit: @trinalegaspi Instagram

At isa sa mga main cast ng Goin’ Bulilit na talaga namang tumatak sa manonood ang dating child star na si Katrina “Trina” Legaspi o mas kilala sa kanyang screen name sa show na “Hopia”.

Sobrang bilis ngang lumipas ng panahon dahil ngayon ay matanda na ang dating makulit at napaka-cute na bulilit noon na si Hopia.

Credit: @trinalegaspi Instagram

Sa ngayon, 26 na taong gulang na si Trina. Bukod dito, nakatakda na ring ikasal si Trina sa kanyang longtime boyfriend na si Ryan Jarina.

Bilang countdown naman sa kanilang pag-iisang dibdib, sumabak si Trina sa isang dreamy prenup photo shoot kung saan ay kamangha-mangha ang mga naging resulta.

Wala nang bakas ng dating “Hopia” noon at talaga namang mapapa-wow ka sa kagandahan ni Trina sa kanyang suot na kulay champagne na gown.

Credit: @trinalegaspi Instagram

Ibinahagi ni Trina ang mga larawan na kinunan mula sa kanilang prenup photo shoot sa kanyang Instagram account na umani naman ng maraming papuri sa mga netizen.

Agaw-pansin sa mga larawan ni Trina ang kanyang pagiging blooming sa kanyang make up maging sa kanyang suot na gown.

Credit: @trinalegaspi Instagram

Ang suot na gown ni Katrina sa kanyang prenup photo shoot ay gawa ng designer na si Mich Viray.

Marami nga ang nakapagsabi na halos hindi na makilala si Trina sa mga larawan na kuha naman ni Niko Gonzales.

Pinuri rin ng marami si Trina dahil sobrang ganda niyang bride-to-be. Tila pasilip na nga ang prenup photos ni Trina sa kanyang magiging bridal look sa araw ng kasal niya. Narito naman ng ilang komento ng netizens:

Credit: @trinalegaspi Instagram

“gandara naman this soon-to-be bride congrats, Kat!”

“One of the simple pero napaka gandang photoshoot ng bridal shoot ganda”

“Ang ganda ng gown, and hopia you’re such a beautiful bride.”

“Ikakasal na si Hopia. You’re so pretty!! Inside and out!”

Credit: @trinalegaspi Instagram

Samantala, ang prenup photo shoot nina Katrina at Ryan ay kasabay ng 7th at huling pagdiriwang nila ng kanilang anibersaryo bilang magkasintahan.

Ayon naman kay Katrina, perfect ang taong ito para maikasal sila ni Ryan.

Aniya, “Happy 7th Anniversary to us! Scripture represents Seven as the number of completeness and perfection. I wanted to mark this year, because I think it’s God’s perfect time for us to get married! I will love you 7 days a week forever and ever! 🥰 @ryan_jarina”

Credit: @trinalegaspi Instagram

Matatandaang na-engage sina Katrina at Ryan November noong nakaraang taon.