Dating Goin’ Bulilit star na si CJ Navato, graduate na sa college!

Hindi talaga natin madalas namamalayan ang napakabilis na paglipas ng panahon hanggang napagtatanto natin kung gaano kalaki na ang ipinagbago sa buhay ng mga batang palagi nating napapanood sa telebisyon noon. Kulitan at tawanan man ang pinagkakaabalahan nila noon, ngayon naman ay may sari-sarili na silang accomplishments sa buhay.

Credit: @navatocj Instagram

2005 nang nagsimulang ipalabas ang show na “Goin’ Bulilit” kaya masasabi talaga na lumaki tayong nanonood sa mga makukulit na mga bata na walang ibang hatid kundi ay labis na kasiyahan at good vibes. Bagama’t iilan man sa kanila ay nanatili sa industriya ng showbiz, mayroon namang lumisan at nagkaroon lamang ng simple at ordinaryong buhay pero kahit na’y hindi naman natin sila napapanood sa TV ay nananatili pa rin sila sa ating memorya at patuloy silang sinusubaybayan sa pamamagitan ng pag-aabang sa kanilang bawat update sa social media.

Sa maraming taon na lumipas, mayroon nang ikinasal at may sariling pamilya o ‘di kaya’y abala sa kani-kanilang business at accomplishments katulad na lamang ni CJ Navato na kumakailan lamang ay graduate na sa kolehiyo!

Sa Instagram post ng dating child star, masaya niyang ibinahagi sa fans at followers na graduate na siya ng college sa De La Salle-College of Saint Benilde kung saan ay pinasalamatan niya rin ang kanyang mga magulang.

Credit: @navatocj Instagram

“It’s official. Ya boi made it! 👨‍🎓💚 Thank you to my family for being with me every step of the way. This one’s for you, for God & for country. Always,” sulat niya sa kanyang caption kalakip ng kanyang mga larawan mula sa kanilang graduation ceremony.

Sa achievement na ito ni CJ, kaagad naman siyang inulan ng pagbati ng kanyang mga kaibigan at netizens.

“Congratulations CJ! Proud of you! 🙌👏”

Credit: @navatocj Instagram

“Wow! Congratulations!👏👏👦🎓❤”

“Congrats papiiiii!!! Dasurrrrv”

“Congratulations bruhh 🔥🔥🔥🙌🙌 we proud of you!!!”

Credit: @navatocj Instagram

Sa isa namang hiwalay na post, pinasalamatan din niya ang kanyang non-showbiz gf dahil sa suporta at pagmamahal na ibinigay nito habang siya’y abala sa kanyang journey sa kolehiyo.

“Thank you for always celebrating my victories with me, and supporting me even in my lowest moments. Together with my parents, you make everything better. We may have reconnected during the latter part of my college journey, but you were there when it mattered the most,” pahayag niya.

Credit: @navatocj Instagram

Kabilang pa rin naman sa showbiz si CJ pero hindi na siya gaano ka-active sa pag-aartista ngayon lalo na’t nalaman lang naman natin na sa nagdaang mga taon ay abala pala siya sa pag-aaral. Matapos ang lahat ng paghihirap at sakripisyo, sa wakas ay napasakamay na rin niya ang kanyang diploma.