Dating Kapamilya actress na si Jewel Mische, masayang ibinalita ang kanyang pagbubuntis sa ika-3 anak nila ng kanyang Amerikanong asawa

Natatandaan niyo pa ba ang dating aktres na si Jewel Mische? Siya ay magiging soon-to-be mommy of 3 na sa taong ito!

Credit: @mischejewel Instagram

Kamakailan lamang, sinurpresa ni Jewel ang lahat matapos niyang ianunsyo ang kanyang pagbubuntis sa ika-3 anak nila ng kanyang Amerikanong asawa na si Alister Kurzer.

Nag-post si Jewel sa kanyang Instagram account ng mga larawan nilang mag-asawa kung saan ay sweet na hinalikan ni Alister ang kanyang malaki nang baby bump.

Credit: @mischejewel Instagram

Caption pa ni Jewel sa kanyang IG post, “Here’s to chivalry, romance, and being spoiled for the remaining weeks to come!”

Batay naman sa hashtag na nakasulat sa post ni Jewel, siya ay 35 linggo nang buntis.

Samantala, sa kanyang sumunod na post ay pabiro na tinanong ni Jewel kung ang mga nanay bang tulad niya na nabuntis ng dalawang beses ngayong p@ndemya ay makakatanggap ng plake.

Credit: @mischejewel Instagram

Lingid sa kaalaman ng karamihan, noong April 2020 lamang nang ipinanganak ni Jewel ang pangalawang anak nila ni Alister na si Emerald Jade.

“Do you get a plaque or something if you have two babes in a p@ndemic? #35weeks #1monthtogo” saad pa ni Jewel.

Sumikat si Jewel matapos siyang itanghal na “StarStruck Ultimate Sweetheart” noong 2006.

Credit: @mischejewel Instagram

Matatandaang maraming pinto ng oportunidad sa showbiz ang nagbukas kay Jewel nang magwagi siya sa nasabing reality talent show. Isa na rito ay ang pagpirma niya ng kontrata sa GMA 7 na siyang nagbigay sa kanya ng pagkakataon na patunayan ang kanyang galing sa pag-arte.

Ngunit matapos ang ilang taon niyang pagiging Kapuso, nagdesisyon si Jewel na lumipat sa Kapamilya network taong 2010. Pumirma nga siya ng dalawang taong kontrata sa ABS-CBN network.

Credit: @mischejewel Instagram

Hindi naman nabigo si Jewel sa paglipat niya sa kabilang istasyon dahil mas lalo pang umusbong ang kanyang karera sa showbiz dahil dito. Kaliwa’t kanan ang naging proyekto ni Jewel sa Kapamilya network at ilan lamang sa mga matagumpay na serye na kanyang pinagbidahan ay “100 Days to Heaven,” “Maria la del Barrio,” at “Precious Hearts Romances Presents: Paraiso.”

Credit: @mischejewel Instagram

Taong 2012 naman noong makilala ni Jewel si Alister. Pinili nga ni Jewel na lisanin ang showbiz para bumuo ng pamilya kasama si Alister. Pinakasalan niya ang asawa noong 2014 sa isang mala-fairytale na winter-themed wedding sa Amerika. Habang isinilang naman ni Jewel ang kanilang panganay na si Aislah Rose noong nakaraang 2018.