Hindi pa pala tapos ang laban tungkol sa kung kanino nga ba mas nagmana si Dahlia Amélie dahil sa pag-viral ng throwback pic ni Anne Curtis ngayon ay napansin lang naman ng netizens ang pagkakahawig niya sa anak na si Dahlia habang mayroon din namang iilan na naninindigan talaga na manang-mana ang chikiting sa ama nitong si Erwan Heussaff.
Credit: @annecurtissmith Instagram
Isa talaga sa exciting na balitang matatanggap ng fans mula sa iniidolo nilang celebrities ay ang pagkakaroon nila ng chikiting dahil hindi lamang natitigil ang kanilang obssession sa kanilang mga idol dahil nagpapatuloy lang naman ito sa kanilang magiging anak katulad na lamang ng die-hard na fans ng tinaguriang dyosa ng Philippine showbiz na si Anne Curtis dahil simula nang ipinakilala niya ang anak na si Dahlia sa publiko ay marami na talaga ang sumusubaybay nito lalo na dahil sa kanyang kabibohan at pagiging makwela.
Noong una pa lamang na ipinakilala ng aktres ang anak sa publiko, marami na talaga ang nakapagsabi na kamukhang-kamukha ito ni Erwan dahil sa hugis pa lamang ng mukha pati sa medyo singkit na mga mata ni Dahlia. Kahit ang kanyang mommy Anne mismo ay aminadong Erwanita ang chikiting pero sa pag-viral ng kanyang dating larawan sa social media nito lamang bago, marami sa kanyang fans ang nakapansin sa resemblance niya sa anak.
Credit: @annecurtisxx Instagram
Unang ibinahagi ng fan account ni Anne na @annecurtisxx sa Instagram ang throwback niyang picture hanggang pumatok at kumalat nga ito kung saan ay mas dumami ang nakapansin sa pagkakahawig niya kay Dahlia.
“Like mother like daughter”
“I can see how beautiful Little Dahlia when she will grow up❤️😍”
“Dahlia really is looking so beautiful like her mom”
Credit: @annecurtissmith Instagram
“Same face with Dahlia😊❤️”
Of course, may iilan din na pumalag at nagsabing mas kamukha ni Erwan si baby Dahlia.
“Dahlia looks exactly like her dad”
“Dahlia is erwan’s face not anne..”
Credit: @annecurtissmith Instagram
“Mas kamukha ni Erwan c Dahlia kz medyo singkit”
“dahlia kamukha ni daddy”
“No mas hawig c dahlia kay daddy erwan”
Sa kabila ng magkakaibang opinyon ukol sa kung sino nga ba kina Anne at Erwan Heussaff mas nagmana si Dahlia, nangingibabaw naman ang katotohanang kuhang-kuha ng kanilang chikiting ang qualities nilang dalawa dahil kung looks ang pag-uusapan, sobrang Erwanita talaga ni Dahlia pero sobrang Anne Curtis naman ng kanyang personality at attitude.
Credit: @annecurtissmith Instagram
Bibihira lamang talaga ang mga pagkakataong kumpletong namamana ng isang bata ang lahat-lahat sa kanilang mga magulang pero tila’y balanse naman ang qualities na nakuha ni Dahlia mula sa kanyang parents kaya masasabi talaga na isa siyang Erwanita na may Anne Curtis vibes.