Dating magka-love team nila Jolina Magdangal at Marvin Agustin, nagkasama muli sa isang Tiktok dance video

Naging maugong ang tambalang Jolina Magdangal at Marvin Agustin noong dekada 90’s dahil sa kanilang nakakatawa at nakakakilig na love team. Mapa-on screen man o off-screen ay nakakakilig ang turingan ng dalawa sa isa’t isa.

Credit:Β @mariajolina_ig Instagram

Ngayong may sarili nang pamilya si Jolina at abala naman sa kanyang mga business si Marvin ay sinigurado nilang mapanatili ang kanilang napakagandang pagkakaibigan.

Ito lamang Marso nang magkasama ulit sila Marvin at Jolina para sa isang proyekto sa Singapore. Makikita sa post ng dalawa na magkasabay silang lumipad patungong Singapore.

“Singapore… here we come!” caption ni Jolina kalakip na letrato nila ni Marvin na magkasama sa loob ng eroplano.

Sa kanyang Instagram ay makikita ang mga update ng mga pinupuntahan ng dating magkalove team sa Singapore at kasama na rin dito ang mga iconic spots na kanilang binisita doon.

Credit:Β @mariajolina_ig Instagram

Napangiti naman ang mga Jolina-Marvin fans nang magpost ng Tiktok video si Jolina kung saan ay sumasayaw sila ni Marvin.

Sinabi ni Jolina na unang beses daw ito ni Marvin na sumayaw sa Tiktok. Biniro din niya ito na parang matanda na kung sumayaw.

“First time ni @marvinagustin sumayaw sa tiktok!!!! Labtim, parang pa-lolo na ang galawan ha.πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚”Β  sinabi ni Jolina sa kanyang post.

Kita sa video ang bigay todo na pag-indak ni Jolina habang sinusubukan naman sumabay ni Marvin sa energy level ng aktres-singer-host. Dahil dito ay maraming netizen ang natuwa sa naturang video at sinabing:

“Kakakilig talaga ang #TeamLabtim😍 ❀️❀️❀️❀️❀️❀️❀️ sending πŸ₯°πŸ’• From DUBAI”

Credit:Β @mariajolina_ig Instagram

“THE BEST!!πŸ˜‚πŸ˜‚β€οΈπŸ’―πŸ’―πŸ’― my childhood favorite love team!! πŸ”₯πŸ‘πŸ‘πŸ‘”

“Haaaaay!!! Have always been a fan of Marvin and Jolina!!! Ned and Bujoy all the way!! Never gets old! ❀️ So happy na friends kayo until now!!! Nakakahappy!!! πŸ’—πŸ’—πŸ’—”

Credit:Β @mariajolina_ig Instagram

“Hahaha..nakakamiss ung labtim nyo po..kulet ng sayaw ni marvin po😁🀣”

“Nkakatuwa khit d kyo nagkatuluyan kayo p din s huli at naging bestfriend pa..”

Credit:Β @mariajolina_ig Instagram

“nkakamis ung fave loveteam q noon at ngaun 😊 @mariajolina_igΒ @marvinagustin .. cmula dati p inaabngan q movie nio😁”