Muling papatunayan ni dating PBA star Jimmy Alapag ang kanyang bagsik sa basketball bilang isa sa mga coaching assistant ng Sacramento Kings sa NBA Summer League sa Las Vegas, Nevada.
Credit: @jalapag3 Instagram
Kamakailan, inanunsyo ng Sacramento Kings sa kanilang social media account na magiging bahagi si Jimmy ng kanilang coaching staff sa nasabing basketball league.
“The Captain becomes a King,” caption ng Sacramento Kings sa kanilang post.
Credit: @jalapag3 Instagram
Maituturing naman itong kauna-unahang trabaho ni Jimmy sa NBA bilang isang basketball coach. At sa kanyang unang trabaho bilang assistant coach sa Amerika, tutulungan niya ang coach ng team na si Bobby Jackson, kasama ang lima pang assistant coach.
Sa Instagram, nagpasalamat naman si Jimmy sa oportunidad na ibinigay sa kanya ng team. Ayon pa kay Jimmy, excited na siyang bumalik sa court at mag-coach. Matatandaang noong nakaraang taon pa huling nag-coach si Jimmy para sa ASEAN Basketball League. Siya ang nagsilbing coach ng San Miguel Alab Pilipinas sa palaro. Sinabi naman ni Jimmy na patuloy niyang ibabandera ang Pilipinas sa NBA.
Credit: @jalapag3 Instagram
“So THANKFUL for this opportunity. Excited to be back! Will continue to represent the [Philippines] proudly!” sulat ni Jimmy sa kanyang post.
Bumuhos din ang pagbati para kay Jimmy mula sa iba’t ibang basketball players. Ilan lamang sina Gabe Norwood, Bobby Ray Parks Jr. at La Tenorio sa mga nagpahayag ng kanilang pagbati para kay Jimmy.
Si Jimmy ay kilala bilang isang mahusay na manlalaro sa loob ng court. Noong 2011 ay itinanghal siya bilang Most Valuable Player sa PBA. Dahil sa kanyang kakaibang galing sa basketball, kaya naman binansagan siya bilang “The Mighty Mouse” at “The Captain”.
Ngunit noong September 2020, ginulat niya ang marami nang magdesisyon sila ng kanyang asawang si LJ Reyes na umalis ng bansa kasama ang kanilang mga anak na sina Ian Maximus, Keona, at Calen.
Credit: @jalapag3 Instagram
Ibinahagi naman ni Jimmy na isa sa mga dahilan kaya sila nagdesisyon na lumipat ng Amerika ay dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng sports industry sa bansa kasunod ng pagput0k ng p@ndemya.
Gayunpaman, mariin nilang iginiit ni LJ na hindi permanente ang pagtira nila sa Amerika. Babalik umano sila sa bansa kapag maayos na ang lahat.
Credit: @jalapag3 Instagram
Samantala, sa ngayon, ibinabahagi na lamang nina Jimmy at LJ ang ilang updates sa kanilang buhay sa Amerika sa kanilang YouTube vlogs.