Dating PBB big winner na si Yamyam Gucong, ikakasal na sa kanyang non-showbiz girlfriend!

Engaged na sa kanyang non-showbiz girlfriend ang “PBB: Otso” big winner na si Yamyam Gucong. Nitong Miyerkules, October 20, ibinahagi ni Yamyam sa kanyang Instagram account ang isang litrato kung saan makikita siyang nakaluhod sa loob mismo ng isang jewelry store habang may hawak na isang kahon na naglalaman ng singsing.

Credit: @gucongyamyam Instagram

Sa kabilang banda, ipinaliwanag ni Yamyam na ang kanyang kasintahan ay hindi na umano tinatablan ng kanyang mga paandar, kaya’t nagpasya siyang hingin ang kamay nito sa kasal sa loob mismo ng jewelry store kung saan niya binili ang singsing.

“Alam kung immune kana sa mga surprises ko sayo dati at gusto kung maiba naman kaya dinala kita mismo sa store kung saan tatanungin kita ng, ‘papayag kaba na maging asawa ko?'” ani Yamyam sa caption ng kanyang post.

Credit: @gucongyamyam Instagram

Kaagad namang bumuhos ang congratulatory messages para kay Yamyam at sa kanyang kasintahan mula sa mga kasamahan niya sa showbizness at sa maraming netizens.

Ilan nga sa mga nagpaabot ng kanilang pagbati ay ang kapwa PBB housemates noon ni Yamyam sa loob ng Bahay ni Kuya tulad ng kanyang malalapit na kaibigan na sina Fumiya, Kiara Takahashi, Andre Brouillette at Lou Yanong. Binati rin si Yamyam nina Melai Francisco at Richard Juan para sa kanyang engagement.

Credit: @gucongyamyam Instagram

“Congrats bro🔥❤️”

“So happy for you brotha, God bless you both and your new journey together as one ❤️”

“Congrats Yaaaaaam Yaaaaam”

“OMG CONGRATS!!! 🔥🔥🔥”

Credit: @gucongyamyam Instagram

“AYUN NA NGA PO! ANG BIG WINNER NAMIN🙌🙌🙌🙌❤️❤️❤️”

Samantala, kamakailan lamang ay ibinahagi ni Yamyam ang kanyang karanasan sa pagpapatayo ng bahay sa gitna ng [email protected]

Ayon pa kay Yamyam, para sa kanyang pamilya ang ipinapatayo niyang bahay.

Credit: @gucongyamyam Instagram

“Totoo pala talaga sabi nila ang hirap magpatayo ng bahay sa gitna ng pandemya🙏😭lasap na lasap ko ang pressure at budget🥺 #parasapamilya”

Matatandaang sobrang hinangaan at minahal ng maraming manonood si Yamyam noong nasa loob pa siya ng PBB house hindi lamang dahil sa kanyang kwelang personalidad na nagbigay ng ngiti sa marami kundi dahil din sa kanyang patuloy na pagsusumikap sa buhay para suportahan ang kanyang pamilya sa Bohol.

Credit: @gucongyamyam Instagram

Huling napanood si Yamyam ng marami sa season 2 ng rom-com series na ‘Hoy, Love You’ na pinagbibidahan naman nina Roxanne Guinoo at Joross Gamboa.